Chapter 15

50 13 0
                                    

Chapter 15

**

Nagpaalam ako kila Ate Elisse nang umalis si Ras. Pakiramdam ko kasi ay may nagawa na naman ako sa kaniya para mag walk out siya nang ganon gaya lang din dati. Gusto ko ulit malaman kung bakit siya umalis na lang bigla bigla at nakakamatay na kanina ang kaniyang tingin.

Inikot ko na ang buong JE hotel pero wala akong nakita maski anino niya. Hinihingal na rin ako dahil sa paglalakad ko sa bawat floors ng hotel. Hindi naman naging hadlang iyon para itigil ko ang paghahanap.

Sa totoo lang, hindi ko alam bakit ko ginagawa ito. Para bang ayokong magalit siya sa akin. Ayokong lumayo ang loob niya at ayokong nagwa-walk out siya kapag katabi ko siya... basta ayoko... gusto ko nasa tabi ko lang siya.

Napatingin ako kay Eugena at Curros na magkasama ngayon habang naglalakad sa hallway. Nakalagay ang kamay ni Curros sa bewang ni Eugena habang tumatawa silang dalawa. Napatingin sila sa akin at naghiwalay pa sila.

"H-Hi!" they greeted me.

Napansin ko na hindi sila mapakali dahil siguro alam nila na nakita ko sila at close na ako sa mga Lacrosse Villavista, natatakot sila na sumbong ko sila.

"Hi. Good morning sa inyong dalawa."

"Morning!"

Mabilis akong nilingkisan ni Eugena nang batiin ako ni Curros. Nakita ko ang pagmamakaawa sa mukha ni Eugena.

"Celestine! Please don't tell anyone what you've seen!"

Curros Delpino is Lavinia Delpino cousin kaya ganyan pinaghihigpitan nila ang dalawa. Kaya lamang napasok si Curros sa LV Empire dahil nagmakaawa ito at sinabi niya na hindi niya kaugali ang pinsan niya, hindi raw sila nagsasama ng pinsan niya kaya hindi niya kahit kailan makukuha ang ugali non at papatunayan niya iyon. Naunang dumating si Eugena kaysa kay Curros kaya nung dumating si Curros sa buhay ni Eugena ay hindi nila napigilan ang kanilang sarili. Kaya lang naman pinaghihigpitan ang dalawa dahil sa trust issue ng tatlo- Ras, Limwell at Kuya Kalli. Si Ate Elisse ang nagkwento sa akin kaya nalaman ko.

Napailing na lamang si Curros sa ginagawa ng kaniyang kasintahan. He walked towards us.

"Hindi gano'n si Celestine, babe. Alam kong 'di niya pagsasabi ang nakita niya." pangungumbinsi ni Curros kay Eugena.

I smiled, "Yeah. Your boyfriend is right, Eugena. Don't worry, I'll keep my mouth shut. Hindi naman ako madaldal, atsaka wag kayong mag alala gagawa ako ng paraan para maalis ang pagkakahigpit nila sa inyo. I will try to convince them..."

Napatalon sa tuwa si Eugena. "Really? Grabe totoo nga ang sinabi nila na mabait ka! Kaya pala naging close ka agad sa mga LVs, salamat talaga Celestine!"

"Pero alam niyo na pa lang bawal kayong magsama bakit pinili niyo pa rin ang mag stay sa LV Empire?"

I'm curious that's why I asked them. Gusto ko kasing malaman bakit sa kabila ng kahigpitan nila ay nag stay pa rin sila.

"Mababait sila... alam namin na natatakot lang silang magtiwala ulit kaya naiintindihan naman namin. Ayokong umalis sa LV Empire dahil tatlong taon na rin ako rito, buo na ang puso ko sa company nila kaya kahit mahirap di ako aalis."

Inakbayan ni Curros si Eugena. "Yeah. I think they are kind. Hindi naman nila ako tatanggapin kung masama sila."

Napangiti ako sa kanilang mga sinabi. Pakiramdam ko habang pinupuri nila ang LVs ay napupuri na rin ako, parang dumadaloy sa akin ang puri nila.

"Mababait sila, trust me, don't worry kapag nahanap ko si Ras ngayon I'll try to convince him."

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. Kanina pa siya hindi nagpapakita sa amin kaya nag aalala na ako pero iniisip ko rin na baka lumabas siya ng JE Hotel.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon