Chapter 19

54 12 0
                                    

Chapter 19

**

Months have passed since the day Ras confessed his feelings to me. Ilan buwan na rin nung nalaman ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi na lang basta, basta pagkagusto ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, mahal na mahal ko na siya. Kung dati sinasabi ko na hindi ko pa siya gusto, mali ako, baka nung mga panahon na yun mahal ko na siya ang nagpaka indenial lang ako.

Ate Elisse and Kuya Kalli already know what is between me and Ras. Hindi naman sila nagsalita kaya mas lalo akong kinakabahan pero si Ate Elisse na mismo ang kumausap sa akin na masaya siya para sa amin. Si Kuya Kalli naman ay kinongrats lang ako. Si Stan ay hindi na nagparamdam, iniisip ko kung ano ng nangyari sa kanila ng babaeng inuwi niya sa unit niya.

May isa na lang talagang hindi nakakaalam kung anong meron samin ni Ras. And it was Limwell. Wala pa siyang kaalam alam sa mga pangyayari.

I'm walking on the long road and the vehicles are noisy kaya napapatakip na lamang ako sa mga tenga ko. Maaliwalas ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko.

Pumunta muna ako sa isang starbucks nakaramdam kasi ako ng gutom kaninang papasok ako. Malapit lang sa kumpanya ito kaya ngayon ay nilalakad ko na lang pabalik ng LV Empire.

"Sorry Miss!"

Muntik nang matapon ang frappe na hawak hawak ko. May isang lalaki na bumangga sa akin at hindi ko pa rin makita ang kaniyang mukha. Natatakot ako na baka kagaya ito ng sa movie na kapag may nakabanggaan ka ay may nanakaw na pala sa'yo.

I lifted my chin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ang lalaking nasa harapan. His physical appearance has changed kaya hindi ko agad siya nakilala kung hindi ko siya tinignan sa mga mata niya.

"Vanner?" I'm shocked.

He smiled at me, bakas na bakas din ang gulat sa kaniyang mukha pero ngumiti pa rin siya sa akin. May mga kotseng dumaraan sa may tabi namin dahil highway ang aming hinintuhan.

"Long time no see, Celestine." He shyly said. Bakas sakanyang mukha ang pagkahiya dahil napapaiwas siya ng tingin sa akin.

"Ang tagal mong umuwi ng Pilipinas, ha?"

Lumapit siya sa akin at pumunta kami sa isang lugar na makulimlim para 'di kami masinagan ng araw. Tumindig siya kaya umayos din ako sa aking pagkakatayo.

"Buti nakauwi ka na ng Pilipinas?" I added.

Napakamot siya sa kaniyang batok habang nakatingin sa akin. He's so cute, nalaman ko rin na mas matanda pa pala ako sa kaniya kaya para ko na rin siyang kapatid. Nagkakausap kami ni Vanner isang beses sa isang linggo pero wala naman siyang sinasabi sa akin na nakauwi na siya ng Pilipinas.

Madaya ang Mangilas na 'to.

"Actually, surprise dapat 'to... Sinadya ko talagang di sabihin sa iyo ang pagbalik ko sa Pilipinas. Hindi ko nga sinabi sa 'yo para puntahan na lang kita bigla pero naisip ko na hindi ko pa pala alam ang bahay niyo. Good thing! I saw you today!"

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi. He's cute para siyang isang batang inagawan ngayon ng kendi. Ngumuso ito't ngumiti sa akin.

"Sa LV Empire lang naman ako nagtra-trabaho, pwede ka naman pumasok. Kaya lang... pag may appointment lang, medyo strict ang mga LVs sa pagpapapasok ng mga tao."

"I know, I know." He chuckled.

"But, you're not a stranger to us kaya you can come whenever you want."

I checked the time on my wrist watch. Malapit na ang oras ng trabaho ko at maglalakad pa ako kaya hinarapan ko na si Vanner.

"Alam mo ng may galit sa akin ang mga Villavista."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now