Chapter 41

57 11 0
                                    

Chapter 41

**

I'm still crying on his chest habang hinahampas siya ng mahihina. Bakit ganiyan siya?! Bakit hanggang ngayon mahal niya pa rin ako kahit anong ginawa ko sa kaniya?

"Smith, baby, stop crying..." medyo natatawang sambit niya.

"How dare you..." namamaos kong sabi sa kaniya.

He chuckled. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang mahihinang pagtawa sa leeg ko na para bang natatawa siya naging reaksyon ko nung sinabi niyang ako pa rin ang mahal niya.

"Kasalanan ko ba kung mahal na mahal pa rin kita kahit anong pananakit mo ay mas minamahal kita?"

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Basta ang alam ko lang ay mahal na mahal ko rin siya. Na kahit ngayon ko lang na-realize lahat ng ito ay mahal na mahal ko na siya.

"Smith... look at me, baby, please..." he lifted my chin kaya napatingin ako sa kaniya. "That's why I called you Smith, because I'm so smitten with you."

Namula ang magkabilang pisngi ko sa kaniyang sinabi. Ngumiti ako at tumango. Nagdikit ang aming mga noo.

"Raius... thank you for waiting for me," bulong ko habang nakapikit.

"You are worth waiting for."

Niyakap niya ako habang nakapatong ang baba ko sa kaniyang balikat. Napapangiti na lamang ako dahil sa pangyayari ngayon.

I've never imagined in my entire life that would come. Hugging the person I love the most while saying sugar coating and flowery words to each other. I'm so lucky to have Raius Eistein in my life.

Napatingin ako sa may loob ng kaniyang kotse at nakita kong umiilaw ang kaniyang cellphone. Kahit medyo malayo ay kitang kita ko ang pangalan ni Graella.

Inis kong inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya at tinignan siya ng masama. Kumunot ang noo niya at parang nagtataka sa inasal ko.

"What, baby?" nagtatakang tanong niya.

"Yung girlfriend mo, tinatawagan ka. Sagutin mo na muna."

Tinalikuran ko siya at tumingin sa ibang bahagi ng madilim na paligid. Naiinis ako dahil nakita kong tinatawagan ni Graella si Ras. Ano bang kailangan niyang itawag? Para saan?!

Nagseselos ba ako? Hell yeah! Kung may dapat ikaselos dapat lang na magselos lalo na may karapatan ako!

He chuckled. "Baby, are you jealous?"

"Answer your phone. Bahala ka diyan, Raius Eistein!"

Niyakap niya ako mula sa likuran ko. "Napakaselosa..." bulong niya.

"Hindi ako nagseselos!" sigaw ko, "Bakit naman ako magseselos! Sagutin mo na! Nakakainis ka!"

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. "Hmm... you smell so good..."

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Inamoy amoy niya ang buhok ko sa likod.

"Raius!"

"What, baby?" patuloy pa rin siya sa pag amoy sa'king buhok na para bang adik na adik siya rito.

"Sabi ko sagutin mo na. Nakakahiya naman sa girlfriend mo baka importante."

He chuckled. Oh my! Bakit ba siyang natatawa? Hindi niya ba alam na ang sexy niyang pakinggan sa kaniyang pagtawa?

"She's not my girlfriend. I haven't had one since we broke up," bulong niya at seryoso ang kaniyang boses.

Tinignan ko siya. Hawak pa rin niya ang bewang ko habang nakatingin kami sa isa't isa.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon