Chapter 30

49 11 1
                                    

Chapter 30


**

Madilim ang paligid. Wala ng maririnig na ingay dahil medyo liblib ang lugar namin pero hindi 'yon dahilan para wala ng manirahan dito o wala ng nagbabantay.

Sa may hacienda ay hindi lang isa ang guwardiya, bawat sulok ay meron kaya nga tiwala kaming walang mangyayaring masama.

"Salamat sa paghatid..." nakangiti kong sabi sa kaniya. "Umuwi ka na..."

Mag a-alas onse y' mediya na rin ng makarating kami sa hacienda ni Ras. Nakahinto pa rin kami sa harapan ng hacienda habang nakasandal sa kaniyang kotse.

"Umuwi ka na, Ras." natatawang sabi ko.

Sa itsura ni Ras, mukhang wala siyang balak na umalis muna dahil hindi pa rin ito gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Hawak hawak niya ang kaniyang susi na ini-ikot ikot niya sa kaniyang daliri habang ang isa naman ay nasa bulsa niya.

Kanina, pinatungan ako ni Ras ng kaniyang coat para hindi ako lamingin. Mag fi-fifteen minutes na rin siguro kami sa labas ng hacienda na hindi pa rin pumapasok.

"Are you okay now?" bigla niyang tanong sa ere kasabay ng pag ihip ng hangin na dahilan para matangay sa ibang bahagi ang buhok ko.

I slowly nodded my head as I tucked my hair behind my ears. "Okay na ako, umuwi ka na baka makarating ka sa inyo ng madaling araw..."

Actually, kanina lang ay hindi na ako nakapagpaalam pa kay Limwell pero nagpaalam ako kina Ate Elisse, Kuya Kalli and Stan. Siguro ay ite-text ako ni Limwell mamaya dahil 'di ako nagpaalam sa kaniya.

Sige! Assume pa!

Okay lang talaga. Okay lang talaga ako!

Hindi ako nasasaktan!

Hindi ako umaasa!

"It's okay..." marahan niyang sabi, "Gusto ko munang makita kung okay ka na..."

I gave him a half smile. "Okay na ako. You don't need to worry."

Tumigil siya sa pag ikot sa kaniyang susi at tumingin siya sakin. Mas lumapit siya pero nakasandal pa rin sa kaniyang kotse.

"You can't blame me, ayokong nakikita kang umiiyak dahil sa gago 'kong kuya. He's really an asshole. Damn him."

Hindi naman talaga gago si Limwell. Wala siyang ginawang masama sa akin dahil wala kami sa relasyon. Normal lang sa kaniya ang maghanap ng babae at hindi ko siya pipigilan. Because that's what he wants. I can't blame him, too.

Pagtanggol mo pa, Celestine! That's nice!

Ge lang! Push mo!

"Stop cursing your brother. This is not his fault. Hindi niya kasalanan na mahalin ko siya."

"Pero ba't ako, kasalanan kong mahalin ka?" Bigla niyang sabi sa ere kaya napaiwas ako ng tingin.

Nanatili akong tahimik. Umalis ako sa pagkakasandal mula sa kaniyang kotse. Hinarapan ko siya para magpaalam na.

"Papasok na ako. Mag a-alas dose na baka magalit sa akin sila Mommy and Daddy..."

He paused. Tumingin siya sa akin at dahan dahan na tumango. "Okay. Pumasok ka na, gusto kong makita kang nakapasok ka na sa hacienda niyo para 'di ako mag aalala.

Napangisi na lang ako at tumango. I waved to him and he waved back. He smiled that's why I smiled, too.

Buong araw ko ngayon ay walang masyadong magandang nangyari bukod sa walang pasok ay boring ako sa hacienda. Gusto kong lumabas pero 'di ako makalabas dahil wala naman akong alam na pupuntahan.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon