Chapter 16

56 13 0
                                    

Chapter 16

**

The Venitian Macao is quite beautiful and wonderful. If I'm not mistaken, this is Venitian Macao, though, I'm not sure pero parang napansin ko na ito sa google when I searched about Macau kaya sa tingin ko ito na iyon.

Kaninang nasa biyahe kami ni Ras ay mabilis ang pagpapatakbo niya ng kaniyang sasakyan, mas mabilis pa kaysa kay Limwell, although, sa pangangabayo parang ganon kabilis siyang magpatakbo ng kaniyang sasakyan. Natatakot ako dahil baka mabangga kami kanina.

Hindi ko alam kung saan iniwan ni Ras ang sasakyan niya pero ngayon ay nasa may Grand Canal, near the Strip Cotai, inside the Venitian Macao kami, may mga dumadaan pero nagse-selfie lang at aalis na sila, yung iba ay dumadaan lang talaga dahil napapagitnaan ito ng dalawang building.

"Smith..."

I almost jumped, sa ilang oras namin hindi nag usap ay tinawag niya pa rin ako sa tawag niya sa akin. Gusto kong sumagot pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Smith..." he repeated.

Pinigilan ko ang aking sarili na kausapin siya. Gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi niya dapat sinuntok si Vanner dahil wala naman itong ginawa.

"Celestine Zarei..."

His serious voice became more serious. Kung nakakatakot ang boses niya kanina ay mas nakakatakot siya ngayon. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa bewang ko kaya nanlaki ang mga mata ko at napaharap sa kaniya.

"W-What do you want?" I stuttered.

His serious and seductive eyes met my eyes. I wanted to look the other way but I just couldn't. I can't resist his handsome face, kapag talaga tinitigan ka niya ay mapapasama ka na lang dito.

"Let's talk..."

Tinignan ko ang buong paligid. Maraming tao ang nagsisidaan sa may tabi namin pero iilang minuto naman bago dumaan.

"Really? Dito?"

Hindi ako komportable dahil baka may makarinig samin dito lalo na't maraming tao. Maingay pero natatakot pa rin ako na marinig nila kami.

"They can't understand us, they can only understand Cantonese."

Cantonese is the language of Macau. Others say that Portuguese is the language of Macau. I don't know. Hindi ako tiga rito kaya hindi ko alam. I can't speak Cantonese and Portuguese, either.

"Hmm..."

Pinatong ko ang kamay ko sa raillings ng hagdan at tumingin sa Grand Canal kung saan may mga nakasakay sa maliliit na bangka. May isang matandang nagsasagwan, habang may mga tao sa loob na nagyayakap. Couple?

"I'm sorry, Smith." his sincere voice came.

Sorry dahil sa pagsuntok niya kay Vanner o sorry dahil iniwan niya na naman ako kanina? O sorry dahil 'di totoong gusto niya ako?

"Sorry for what?"

Mas lumapit siya sa akin kaya kumabog ang aking dibdib. Pinatong niya rin ang kaniyang braso sa raillings.

"You know... hmm..." he muttered, "I-I'm just... jealous because of that fucking Mangilas... ilang araw akong nagpigil ng galit sa lalaki na iyon."

I gave him a death glare.

"Seriously, Ras? Kailangan manuntok agad? Wala naman ginagawa sa 'yo yung tao!" hinarapan ko siya pero nakatingin pa rin ito sa Grand canal.

"I know... I can't control myself, Smith!"

Kung gusto niya ako sino si Cecilia? Though, hindi 'yan ang totoong pangalan ng gusto niya, whatever, ginagawa niya ba akong panakip butas?

"Kung pinagtri-tripan mo ko sa gusto gusto na yan, pwede bang wag na lang ako? Alam mo kasi Ras, kakasabi mo lang na may gusto ka!" hind ko na maiwasan ang magtaas ng boses sa kaniya.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon