Chapter 27

34 11 0
                                    

Chapter 27


**

I am looking at him. Hindi ko inalis ang aking tingin kay Gabriel dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. I want to burst out my felicity that I felt. I've waited for him for years and then now, he's here, in front of me.

Tumikhim si Ras na ngayon ay nasa tabi ko. Kita kong nakatingin lang siya sa akin na tila sinusuri niya ako habang may malaking question marks sa kaniyang dalawang mata.

"Bakit ngayon ka lang, Limwell?"

Si Tita Martha ngayon ay tumayo para dayuhan si Limwell. Tumayo rin sina Stan at Ate Elisse.

"Kasunod ka lang namin," si Ate Elisse na ngayon ay nakakunot ang noo.

"May pinuntahan lang ako sa may kabilang village. Binigay ko lang 'yong hard copy ng documents."

Sa tuwing nagsasalita siya ay kung anong saya ang nararamdaman ko sa puso ko. I miss his voice! Napakamanly at buo pa rin ng kaniyang boses. Ang kaniyang itsura is still the same. He's still handsome and I think this is my chance para magpapansin sa kaniya lalo na't kuya pala siya ni Ras.

"Oh? Okay? May bisita tayo. She's with Raius." Tita Martha said while smiling from ear to ear na para bang may malisya iyon.

Gabriel's eyes glanced at me. Napakunot ang kaniyang noo at sinuri niya ako kaya maya-maya ay bigla siyang ngumiti.

"Oh. It's you. Celestine, right?"

I slowly nodded my head but I feel a bit nervous and awkward. Nakilala niya ako! I don't know pero baka alam niyang may gusto ako sa kaniya lalo na't I confessed my feelings for him!

"You know each other?" kuryosong tanong ni Ras.

Nagpaalam muna sa amin sina Tita Martha at Tito George dahil may gagawin pa raw sila kaya naman nagsitanguan kami. Naiwan kami sa sofa habang ngayon ay nakaupo na rin si Gabriel na katabi ni Stan. Katabi ko naman si Ate Elisse habang si Ras ay nasa may harapan ko.

"Yeah... We're talking if we have time." Ani Gabriel, "Hmm... Good thing, nakita na kita. Yayayain ko sana ng meet up."

Nanlaki ang mga mata ko. Napansin kong kumunot noo ni Ras. Matalim ang kaniyang mga tingin pero 'di ko na lamang binigyan ng pansin iyon. Ate Elisse and Stan both have no idea about what's happening that's why I just smiled at them.

"Nice to finally meet you, Celestine." Gabriel smiled at me.

I smiled back, "Thank you. Nice to meet you too."

Tumikhim si Ate Elisse at Stan at nagpaalam muna na umalis. Pupuntahan lang daw nila ang garden nila Tita Martha, at si Stan naman ay titignan ang mga bagong sasakyan nila Gabriel at Ras kaya naiwan kaming tatlo dito.

Nagulat ako ng medyo tumabi sa akin si Gabriel at ngumiti. "Hi Celestine! Don't be shy okay? I still remember what you've said to me but don't worry, I won't take it as a big deal."

Nag init ang magkabilang pisngi ko. He's really kind. Kahit noon pa man na pinapanood ko siya sa pagbobola ay nakita ko kung gaano siya kabait sa kaniyang mga ka-team mates.

I slowly nodded my head, "Thank you... Gabriel..."

He chuckled. "Don't be shy okay? And don't call me Gabriel just call me Limwell."

"Okay, Limwell..."

Inayos niya ang buhok niya sa aking harapan at ngumiti na dahilan para mas mahulog ako sa kaniya dahil sa kaniyang itsura. He's handsome and I don't think I can predict his face or physical appearance.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now