Chapter 06

63 13 0
                                    

Chapter 06

**

"Nakakatuwa mga parents mo..." mahinahon kong sabi kay Ras.

Nandito ngayon si Ras sa opisina ko. Dinalhan niya ako ng pagkain at hindi ko maintindihan kung bakit pero tinanggap ko na lang dahil baka pinapabantay ako sa kanila ni Mommy.

He smiled. Nilapag niya ang mga pagkain sa lamesa ko matapos niyang alisin ang mga nakaharang. Pakiramdam ko tuloy ako ang amo niya rito at pinagsisilbihan niya ako.

"Yes... tuwang tuwa sila sayo." masaya niyang sabi.

Inalis niya ang mga paper bags na pinanggamitan at nilagay sa isang basurahan dito.

"Alam mo Ras pakiramdam ko talaga ako ang amo sa'ting dalawa. Ano ka ba? You're my boss dapat huwag mo kong pagsilbihan ng ganito. Mas maganda siguro kapag ako ang gumagawa niyan." I suggested. "Imagine that, Co CEO ka ng company and employee lang ako rito pero ganiyan ginagawa mo."

Umupo siya sa harapan ko at tinignan niya ako. Maya maya ay bigla siyang ngumiti kaya na-weirduhan ako.

"You know what? Kumain ka na lang ang dami mo pang alam sabihin."

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Nagsasabi lang ako! Ang pangit kayang tignan na yung amo mo pinagsisilbihan ka..."

He chuckled. "So what?"

"So what ka diyan! Samahan mo na rin akong kumain baka hindi ko maubos 'to ang dami-dami sa tingin mo kaya kong ubusin yan?"

"Oo naman, alam kong kaya mong ubusin yan..." ani Ras sa isang confident na boses.

"Wow! Pinapataba mo ba ako? Madami ito at hindi ko mauubos. I'm on a diet."

"I'm on a diet my ass." sinamaan niya ako ng tingin, "Sasamahan kita sa pagkain pero mas marami kang kakainin sakin naiintindihan mo?"

I rolled my eyes. "Sinisira mo diet plan ko..."

"Baka gusto mong damihan ko pa lalo ang pagkain mo Smith para hindi ka na magdiet?"

"Bossy..." I murmured.

Kita kong nanliit mga mata niya kaya ngumisi ako't iniwas ang tingin.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor para tikman ang gulay na nakahain sa mesa. It was a half cooked vegetable kaya mahirap kainin pero masarap. Favorite ko ang mga vegetables na half cook kaya for sure ubos ito sa'kin pero dahil nandito si Ras I won't eat them all.

"Made by my mom," sambit niya habang tinikman din ang kaniyang dalang pagkain.

I stopped. "Mommy Martha mo ang nagluto dito?"

He nodded his head, "Yeah... this is one of her favorite dishes. Kaya nung nalaman niyang mahilig ka rin sa mga half cook pinadala ka niya sakin at nagrequest na rin ako ng iba pa."

"Nakakahiya sa Mommy mo alam mo ba yon?"

"Lakas mo nga kay Mommy anong nakakahiya don? And please call her Tita Martha. She doesn't want to be called 'Mommy mo'."

Tumango na lang ako sa kaniya at kumain. Kahit nahihiya ako kay Tita Martha ay parang gusto ko pa ang mga luto niya dahil masasarap.

"Chef ba si Tita Martha?"

Tumikhim ito't sumandal sa isang swivel chair. "Nope... naging habit niya lang ang pagluluto. Si Daddy ang chef samin at nung nagkataon no'n ay tinuruan ni Daddy si Mommy kung paano magluto hanggang sa nagustuhan ni Mommy and that's it."

Tumango ako sa kaniya. "Wow that's nice! Si Mommy kasi wala siyang hilig sa pagluluto lalo na si Daddy, minsan ako ang nagluluto pero sempre yung mga alam ko lang na lutuin."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon