Chapter 04

90 13 0
                                    

Chapter 04

**

The day when Ate Elisse hugged me I felt awkward. Hindi na ako makatingin sa kanila ng diretso pero in-explain sa'kin ni Kuya Kalli lahat ng dahilan kung bakit niya ako niyakap. May naaalala lang daw ito na kagalaw ko kaya ganon.

It has been one week since I worked in LV Empire Incorporation. Inaamin ko na hindi ako masyadong napapagod kala ko pa naman ay mahihirapan ako dahil sa ibang tao sila.

I'm still on the company pero inaayos ko na ang mga gamit ko. My whole day on the company still normal kapag may kailangan lang si Limwell doon lang ako aakyat. Iniisip ko kung bakit walang inuutos sakin si Ras, eh, CO CEO siya ng kumpanya nila. Which is, dapat pareho sila ni Limwell. COO is Kuya Kalli and the president is Ate Elisse. Nalaman ko lang yan tatlong araw ang nakakalipas.

My mom was right. Sa una lang boring dahil ngayon medyo nakakasundo ko na sila ay sumasaya na ang araw araw kong pagpasok sa kumpanya.

Someone's knocked on my office door. I shouted 'come in' kaya naman nakita ko si Ras na pumasok. May ngiti pa sa kaniyang labi. Parang kailan lang nung kapasok ko rito masama ang tingin niya sa'kin at parang may ginawa ako pero bigla bigla siyang nagbago ngayon.

"Hi, Smith! Uuwi ka na?"

I nodded my head. "Oo eh... Hmm why?"

Tinignan niya ang oras sa wrist watch niya at binalik ang tingin niya sa akin. "Bukas, punta tayong hacienda niyo gusto kong makita mga pananim niyo."

I blinked many times. "Huh? What? Makikita ka nila Daddy baka ano pa ang isipin nila."

He chuckled, "Tito Ronnel and Tita Ethel knows me, Smith. Wala kang dapat ikabahala... baka nga matuwa pa sila at kasama mo ko."

I smirked, "Lakas mo rin mag imagine no? Saan ka humuhugot ng kahanginan mo?"

Hindi siya sumagot at tumawa lang siya sa'kin. "Basta bukas pupunta tayo sa hacienda niyo."

"Ano naman gagawin natin doon? Alam mo bang boring sa hacienda? Wala kang ibang makikita kundi mga pananim at mga hayop, tapos... medyo liblib pa, imagine that?"

"Mangangabayo tayo, tuturuan kitang mangabayo bukas."

Tumaas ang kilay ko sa kan'ya at parang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Niloloko ba ako ng lalaki na 'to?

"Marunong kang mangabayo?" kuryoso kong tanong sa kaniya.

Wala sa hitsura niya ang pangangabayo dahil businessman ito at hindi ko alam na nangangabayo pala siya.

He slightly nodded his head. "Yes. Kaya kong mangabayo ng mabilis, mabagal at sakto."

Lumunok ako nang sumilay ang nakakalokong ngiti nito na parang may iba pang ibig sabihin.

"Bahala ka basta sinasabi ko na sa iyo masasayang lang ang natitirang oras ng buhay mo kapag nag stay ka ro'n."

Ginulo niyang muli ang buhok ko kaya pinalo ko siya. My teeth clenched and I rolled my eyes.

"Stop it!"

"Basta bukas, pupuntahan kita ng maaga. Wala akong pakealam kung hindi ka pa gising."

I raised my eyebrows on him. "Close tayo?"

He shook his head, innocently. "Nope... pero pamilya mo close ko."

"Sila 'yun hindi ako! Bahala ka basta wag mo kong gigisingin bukas kala mo tagal na natin nagkasama. Maghintay ka!"

Tinalikuran ko na siya ng kunin ko ang mga gamit ko at lumabas ng unit. Hindi ko alam kung bakit natatarayan ko si Ras pero kapag si Limwell na ay medyo natatakot na ako.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang