Chapter 23

39 10 0
                                    

Chapter 23

**

Sumakay kami sa isang saktong laki na yate ngayon. Gusto kong mag snorkling sa gitna ng dagat pero alam ko naman na hindi ako papayagan ni Ras dahil sigurado akong hinabilin ako nila Mommy at Daddy sa kaniya.

I pouted my lips before I walked through his direction. Nasa may raillings siya at nakatingin sa kalawakan ng Puerto Galera beach, at napansin kong may hawak hawak itong sigarilyo.

Napangiwi ako sa aking nasaksihan dahil sa kaniyang pagsisigarilyo. Major turn off para sa akin yung ganyan pero nasa edad na siya kaya okay lang siguro. Pero kasi nakakasama ang sigarilyo sa baga at nakakaikli ng buhay ng isang tao.

Nilagay ko ang kamay ko sa raillings, "You're smoking?"

Mukhang nagulat pa siya sa presensya ko pero nabawi din agad nung bumuga ito ng usok.

"Yeah? Stress reliever, hindi naman ako madalas nagsisigarilyo. Thrice a month only."

Kahit na! Sa isang stick pa lang ng sigarilyo ay ilang minuto na ng buhay mo ang pwedeng mawala. Bahala nga siya!

"Major turn off..." bulong ko sa kawalan. Tumingin ako rin ako sa kalawakan ng dagat.

"Major what?" he asked.

"Major turn off. Nakakaturn off." I honestly said.

Kahit 'di ako nakatingin sa kaniya ay alam kong napahinto siya. Tumingin siya sa akin kaya tinignan ko siya agad.

"Hmm?" sambit ko.

"Nakakaturn off talaga?" he repeated.

I slowly nodded my head. "Yeah pero nasa edad ka na rin naman kaya okay lang..."

His lips curved, he immediately threw his cigarette on the ash tray after niyang patayin ang apoy nito.

"Okay na? Am I not that turn off anymore, Smith?"

Napakurap kurap ako sa kaniyang sinabi. Pinipigilan ko ang pagngiti ko at ang pag init ng aking dalawang magkabilang pisngi. Kahit gusto kong magsalita ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay mamumula ang mga pisngi ko.

"Tell me more about your dislikes..." determinado niyang sambit sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Kumunot ang noo ko. I don't know if matatawa ako o hindi eh kasi naman his face is napakapriceless.

"W-What's funny?" He stuttered.

I shook my head, "Nothing. Your face is priceless kasi." I chuckled.

Nanliit ang mga mata nito at tinalikuran ako. "Tss..." anito at naglakad papunta sa isang dulo ng raillings.

"Pinaka ayoko rin? Yung pinaghihigpitan ako..." I murmured pero mukhang narinig niya dahil lumingon siya sa akin.

Lumingon din ako sa kaniya kaya nagkatitigan kaming dalawa. I smiled and his hair was blown by the wind. Napunta ito sa ibang position na mas lalo siyang naging gwapo sa aking paningin dahil na rin sa suot suot niyang white t-shirt and swim trunks while I'm wearing black t-shirt and maong short.

"Gusto ko may laya ako, ayoko ng masyadong mahigpit dahil pakiramdam ko sinasakal ako at doon ako nawawalan ng gana..."

Tumikhim siya at kumurba ang kaniyang bibig. He cleared his throat. "Mas magandang pinaghihigpitan ka,"

Ngumiwi ako't mabilis na umiling. "No way! I don't want an over protective man! Pakiramdam ko wala na akong laya sa mga gusto kong gawin sa buhay."

"If that's what you want..." he said.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon