Chapter 32

52 12 0
                                    

Chapter 32

**

Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nang matapos kong makausap si Ate Elisse. Lahat ng kaniyang sinabi ay tumatagos sa'king puso. Nasasaktan at nabibiyak ito kapag naaalala ang mga sinabi niya.

"Huwag mo na lang sabihin kay Raius na nagdaldal ako dahil baka ako ang malagot. But all I have said was true."

Kasama ko pa hanggang ngayon si Ate Elisse. Nakatayo sa harapan labas ng starbucks. Hinihintay na lang yata niya ang kaniyang service habang ako ay papasok na maya-maya dahil mag a-alas dose na rin naman ng tanghali.

May uniform ako sa locker kaya doon na lang ako magbibihis. Kung sakaling walang guwardiya ay baka kahit 'di na ako mag uniform ay ayos lang pero 'di naman nawawalan ng guard ang main gate ng school.

"Salamat sa mga payo, Ate Elisse. Don't worry, hindi ako magsasalita kay Ras..."

She slightly nodded her head. She fixed her shoulder bag on the right corner of her shoulder. I brushed my hair up para alisin ang mga takas na buhok sa mukha ko.

Hindi ko rin kasi alam kung mag uusap kami pero parang hindi ko yata kaya na hindi siya kausapin. Napaisip ako, tinaboy ko siya ulit at kitang kita ko kung paano siya umiyak sa harapan ko.

"Ate Elisse, ang lalaki ba iiyak lang para sa taong gusto nito?" I asked her, nervously.

She seriously glanced at me and gave me a half smile. "Ras cried because of you?"

I quickly shook my head. I don't want her to think that I made her cousin cry because of me. Baka sabihin ay sobra-sobra na ang sakit na pinaparamdam ko dito.

"N-No... why would he? Hindi siya umiyak dahil sa akin!" I defended myself as much as I could.

"Okay sabi mo eh..." tumikhim ito, "Of course. Ang mga lalaki hindi mahilig magpakita ng emosyon katulad nating mga babae. They are mysterious when it comes to their emotions. They don't want to show if they are happy, sad or crying. Sila lang ang nakakaalam nun. Kaya kapag ang isang lalaki pinakita nag emosyon niya sa'yo..."

Muling gumapang ang kaba sa aking dibdib. I am extremely nervous to the point my legs are shaking and almost trembling.

"Believe me or not, mahal na mahal ka niyan. Kasi ikaw ang iniyakan niya, pinakita niya ang emosyon niya sa'yo."

I wonder if Ate Elisse is a love-guro pero malabo naman sa kaniyang hitsura. Siguro ay talagang magaling lang siyang magsalita.

"Kaya kung sakaling iniyakan ka ng pinsan ko. Don't let him go, Celestine. He loves you..."

I looked in the other direction. I can't manage to look at her while there's an unexplained emotion on my face.

Umayos ako sa pagkakatayo. Tumango ako sa kaniya ng humakbang ako ng isang beses. Lalakarin ko lang ang school kaya dapat ngayon pa lang ay maglalakad na ako patungo roon para hindi malate.

"Uhm, Celestine. Nandiyan na ang driver. Hindi mo ba gustong sumabay sa'kin? Dadaanan din naman namin ang eskwelahan mo."

Kung tatanggi pa ako ay ako lang ang magiging kawawa sa paglalakad. Nakakahiya rin naman kung sasabay ako pero iniisip ko rin kung sakaling mag amoy araw ako.

"Sige, Ate Elisse..."

When we finally reached my school. Nagpasalamat ako't mabilis na pumasok. Mabuti't walang guard sa main entrance para di ako masita at hindi ko suot ang uniform ko. I swiped my identification card and started to walk again.

"Celestine..." napansin kong si Rem ang tumawag sa'kin.

Naalala ko nung sinabi sa'kin ni Limwell na nag away si Ras at Remil dahil sa pagseselos ni Ras dito. I looked at him with a serious stare.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now