Chapter 22

46 12 0
                                    

Chapter 22

**

I'm very excited to fix my things. Mabilis akong naghalungkat ng mga dadalhin ko sa Puerto Galera ng limang araw. Naglagay ako ng mga t-shirt, blouse, sleeveless, shorts and jeans.

I didn't expect that my parents would agree with Ras. He has the power huh? Pero baka naman close siya sa family ko?

After I fixed my things that I will bring in Puerto Galero ay itinayo ko na ang maleta na sakto lang sa laki. I wiped my hands onto each other para maalis ang ilang dumi naiwan sa kamay ko kung sakaling meron man.

Kanina, kinuha ni Ras ang number ko para kapag nasa hacienda na siya bukas ay matatawagan niya ako. I told him nandyan naman sila mom pero pinilit niya pa rin ang number ko kaya wala akong nagawa kaya binigay ko na.

When I finally reached the downstairs ay inayos ko ang suot suot ko na off shoulder with dungaree dress on it. Nakabuhaghag ang maalon kong buhok na sumasabay sa paggalaw habang naglalakad ako.

"Celestine." napatingin ako kay Daddy ng tawagin niya ako.

He's wearing a tuxedo with a red necktie. Mukhang may trabaho si Daddy. May hawak hawak din kasi itong bag.

"Yes Daddy?"

"Bukas maaga kayong umalis ni Raius para hindi kayo abutan ng liwanag sa daan. Mas magandang mag biyahe kapag walang masyadong araw."

I slightly nodded my head, "Yes Dad, kakausapin ko na lang mamaya si Ras para sa oras ng pagpunta namin. Hindi pa siya nagtetext eh,"

"He's busy..."

Gaya nga nung sinabi ko na baka may pamilya siya kaya siya nandito ngayon. Nakikipagtrabaho siya sa hacienda para mabuhay ang pamilya niya. If that's true, why will he go with me in Puerto Galera? Baka hanapin siya ng anak at asawa niya.

"I understand, Dad. Thanks again!" I cheerfully said.

"Your mom isn't around, pumunta siyang kuwadra para tignan ang mga kabayo."

One of my mom's hobbies is to look for our horses in their stable. Pinapakain niya ang mga ito at pini-picturan kaya yun ang aking namana sa kaniya, pakainin ang mga kabayo at katapos non ay pipicturan ko sila. Madalas ko lang kaligtaan iyon dahil 'di ko nadadala minsan ang digital camera ko.

"I'll look for her, Dad."

He nodded his head. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Daddy at nagsimula na akong maglakad palabas.

Inikot ko ang aking paningin para tignan ang panahon ngayon. Medyo kumukulimlim na dahil pagabi na rin pala.

Kapunta ko sa may kuwadra ay nakita ko si Mommy na inaayos na ang bawat lock ng mga kabayo namin.

"Hi Mom, tulungan na kita." alok ko sa kaniya.

"Bakit gising ka pa? Dapat nagpapahinga ka na dahil maaga ang alis niyo bukas ni Raius." aniya.

I pouted my lips, "Hindi na nga ako makatulog sa sobrang excited! I really want to see Puerto Galera and I want to taste their food especially the Papa Fred's Steakhouse!"

She smiled at me, "I hope you'll enjoy it. May tiwala kami kay Raius kaya kami pumayag na pumunta kang Puerto Galera, isa pa, mas matanda siya sa 'yo kaya alam kong mababantayan ka niya."

My eyebrows creased, "Hmm... paano na lang ang mga pamilya niyang maiiwan? Baka hanapin siya ng anak niya Mom!"

Kumunot din ang noo ni Mommy sa sinabi ko. "Anak? Pamilya?" She chuckled, "He's single, dear."

"But mom, bakit siya nagtra-trabaho rito? Really, hindi niya bagay ang gano'ng trabaho."

"Tumutulong lang siya sa atin. Close kami ng mga magulang niya, close sila ng Kuya mo that's why."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon