Chapter 10

55 13 0
                                    

Chapter 10

**

Until now I'm still thinking about what Ras has said yesterday. Naiinis ako dahil hindi ako matahimik. Kailan ba ako bibigyan ng araw ni Ras na hindi ako mag iisip at hindi niya guguluhin ang isip ko.

He's selfish when it comes to me? I heard it clearly. Alam kong ganyan ang sinabi niya sakin kagabi. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit niya iyon sinabi. Dahil ba kaibigan niya ako? I don't know. Mas maganda siguro kung wag ko na muna siyang isipin.

It's already twelve thirty in the afternoon. Thirty minutes na lang ay darating na si Clarisle dahil may conference meeting siya kila Ras at Limwell, kasama na rin sila Ate Elisse at Kuya Kalli. Kasama ako sa loob dahil kanang kamay din nila ako.

My phone vibrates after how many minutes have passed. It was a text message from Clarisle that's why I opened it immediately.

Clarisle:
Cels, malapit na ako. Mga tatlong hakbang na lang sa main entrance.

I laughed and I quickly stood up on my swivel chair. Pinindot ko ang intercom para tawagan sina Ate Elisse at Kuya Kalli, Limwell and Ras. Isahang konekta na lang ang ginawa ko.

"Hello. Good afternoon. Nandyan na po si Miss De Nuava."

"Alright."

Nasa conference room na kami at hinihintay na lang ang pagdating ni Clarisle. Feel na feel ko ang presence niya kahit 'di ko pa siya nakikita. I'm excited to see her! I miss her so much, ilan weeks na rin kaming hindi nagkita.

"Miss, nasa'n na raw siya?" tanong ng isang matandang businessman.

"Nandito na po siya."

"Kanina pa siya nandito tapos hanggang ngayon wala pa rin?" tumaas ang kaniyang tono.

Ilang mga businessman ang mga nandito at hindi lang ang magkapatid na Lacrosse at Villavista. Kita kong kumunot ang noo ni Ras nang sigawan ako ng isang businessman.

"Sorry po. Tatawagan ko lang po."

"Bilisan mo!"

"S-Sorry po..."

Kita ko ang inis sa mukha ni Ras at Limwell. Biglang tumayo si Ras at nilapitan ang matandang businessman.

"Mr. Blanca, don't you dare raise your voice at her or I'll stop your shares." anito sa isang malamig na tono.

"Ras stop." boses ni Ate Elisse at Kuya Kalli.

Si Limwell ay nakatingin lang din sa matandang businessman na si Mr. Blanca.

"No, ayoko lang sinisigawan niya si Smith, Elisse. How dare him!"

"Ras? It's okay." sagot ko sa kaniya habang nakangiti.

"Sorry Mr. Villavista. My fault." kita kong natatakot si Mr. Blanca.

"Don't say sorry to me. Say sorry to her." malamig at nakakatako na boses ang narinig ko sakanya.

"Ras!" si Limwell pero hindi siya pinakinggan ni Ras.

Humarap sa akin ang matanda. "I'm sorry..."

I smiled and shook my head. "It's okay po. Don't worry, hot-tempered lang po yata." I joked.

"Smith!"

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Clarisle at sinabi niya na naligaw lang siya pero nasa may hallway na siya kaya ilan segundo ay nakapasok na siya. Napangiti ako ng makita kong ibang iba na siya ngayon. This is her dream!

"Sorry naligaw kasi ako." malumanay niyang sabi.

Buong meeting ay nakatingin ako sa kaniya kung paano siya makipagpartnership sa mga businessman at sa LV Empire. She's good at it. Kahit ako kung pwede lang ay kukunin ko siya. Her products are quite good and high quality, nagbigay siya ng example kanina.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora