Chapter 26

36 11 0
                                    

Chapter 26

**

I gave him a death glare nang higitin niya ako papasok sa kaniyang SUV. Nawala na ang mga estudyanteng nanonood sa amin kanina dahil nakapasok na rin kami sa loob pero may iilang nakatingin pa rin sa kotse na tila hinihintay ang pag alis namin dito.

"Baba mo nga ako Raius Eistein!" I shouted, "Sino ba kasing may sabing sunduin mo ko!"

He just flashed a silly smirk on his lips bago paandarin ang kaniyang sasakyan. Mas sinamaan ko na siya ng tingin.

"Raius Eistein! Pinapakinggan mo ba ako?!"

Hindi ko na talaga maiwasan ang pagtaasan siya ng boses. Sa tingin ko kasi ay hindi niya ako pinapakinggan sa mga sinasabi ko. Tila isa lang akong posteng nakatayo dito na parang wala lang sa kaniya.

He drifted his eyes on me. "I will only listen to you if that's not all about pushing me away from you."

Napahinto ako. Bumigat ang bawat paghinga ko. I rolled my eyes on him bago tumingin sa labasan ng University. May mga magkasintahang nagdadaanan at tila in love sila sa isa't isa.

I want to experience this kind of relationship with Gabriel. I always imagine my future with him. Simula ngayon magcha-chat na kami kahit hindi niya ako replayan ay guguluhin ko siya. Pati pag nagpost siya sa kaniyang social media accounts ay pupusuan ko.

I will make a way to make him notice me. To make him fall in love with how much I fell in love with him. He's my crush, my wants and the love of my life.

"I love listening to you but I hate the fact you're pushing me away."

I did not answer. I let him say whatever he wants dahil hindi ko rin naman siya pinapakinggan. Nagsasayang lang siya ng laway niya.

"Smith..."

Patuloy pa rin siya sa pagsalita kahit na hindi ako nakikinig. Nagmamaneho na nga siya pero siya pa rin itong salita ng salita. Nakakainis na rin.

"Kamusta ka nung summer vacation? I'm sorry, hindi na ako nakapagpaalam sa'yo."

Alam ko naman na sinadya niyang hindi magpaalam sakin. Two months siyang nawala na wala man lang paramdam sakin. Tapos ngayon bigla siyang darating na parang wala man? May lakas na loob pa siyang ngumiti sa akin akala mo gwapo siya?!

Hindi siya gwapo. Nakakaasar ang mukha niya. Swear. Mas gwapo pa rin si Gabriel sa kaniya. Nag init ang magkabilang pisngi ko ng maalala ko siya.

"Walang signal sa pinuntahan namin and believe or not, trabaho ang pinunta ko ro'n, biglaan ang pagpunta at hindi ko alam na walang signal do'n."

Napapairap na lang ako sa kawalan. Should I believe? Huminto ang sasakyan kaya napatigil ako't napatingin sa kaniya.

"Hindi ka naniniwala sa akin?"

I grinned my teeth. "No. Why would I?" walang pag aalinlangan kong sambit.

"Ask my brother, then?"

"No need. Iuuwi mo ba ako o bababa na ako ako?"

Kanina pa kasi kami nakahinto at manggagabi na kaya naiinis din ako sa kaniya. Wala ba siyang balak ihatid na ako para makalayo layo na ako sa kaniya.

He smirked. Tumingin muli siya sa kalsada at pinaandar na ang kaniyang sasakyan. I really don't get this man. He's getting into my nerves!

"You don't trust me?" he asked in a hoarse voice.

I bit my lower lip and I did not answer him. Kadarating niya lang tapos ginugulo na naman niya ako. Sinabi ko na sa kaniya na ayoko pero makulit siya!

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now