Chapter 31

48 10 0
                                    

Chapter 31


**

Nang madala niya ako sa parking lot ay mabilis niya akong pinasok sa kaniyang SUV. Hindi naman ako nakapaglaban dahil napasok na niya ako bago pa ako makagalaw ng maayos.

Umikot siya papuntang driver seat kaya agad ko siyang hinarapan. Binigyan ko siya ng isang malakas na hampas at sinamaan ng tingin.

"What did you do, Raius Eistein?!"

He did not answer, instead, he started the machine of his SUV. Mabibigat at matalim ang kaniyang tingin ng mabilis niyang paandarin ang kaniyang kotse buti na lang at nakapag seatbelt ako kaagad.

"What's your problem?!" sigaw ko muli na hindi pa rin siya sumasagot.

I'm losing my temper. Seriously! Hindi niya ako pinapakinggan sa mga sinasabi ko rito. Naiinis na ako! Gustong gusto ko ng bumaba sa kotse niya!

Gustong gusto kong sipain ang pintuan ng kotse niya nang sa ganoon ay humarap siya sa akin. Gusto ko 'yung tipong masisira ang pinto habang nagmamaneho siya.

But then again, I realized that I don't have any force to kick the door of his car. Magsasayang lamang ako ng oras.

"Ras! Ibaba mo na lang ako! And please, slow down! Aatakehin ako sa puso sa bilis ng pagpapatakbo mo!"

Naramdaman ko naman na unti-unting bumabagal ang takbo ng kaniyang sasakyan.

Hawak sa isang kamay niya lang manibela habang ang isang kamay niya ay nakapatong ang siko sa may pintuan at nandun ang mga daliri niya sa kaniyang labi na parang nag iisip. He's biting his lower lip.

"You ruined my day!" I yelled as I put my back on the headboard. "You ruined my day with Limwell!"

As usual, he didn't answer again. Kung kaya ko lang patigilin ang kaniyang sasakyan ay gagawin ko para matigil siya sa pagpapatakbo ng mabilis na kahit binagalan na niya ay mabilis pa rin.

"Ang selfish selfish mo!" inis kong sigaw sa kaniya. "You know how much I wanted this!"

I glanced at the way. My eyes widened. "Raius Eistein!" Muntik na kaming makabangga ng sasakyan ng lumiko siya sa isang one way.

What the hell?!

Tumigil ang sasakyan sa isang medyo madilim na lugar. May dalawang poste ng ilaw na nasa magkabilang sulok na nagsisilbing liwanag sa buong paligid ng kalsada malapit kung saan nakatayo ang mga ito.

What are we doing here? If I'm not mistaken ay malapit na 'to sa hacienda, ilang lakad na lang ay makakarating ka na. Tanaw na tanaw ko ang maliwanag na lugar ng hacienda mula rito sa kinatatayuan namin.

He removed his seatbelt as I removed my seatbelt, too. Kinuha ko ang shoulder bag ko at sinabit sa'king balikat. Bumaba siya kaya mabilis din akong bumaba at hinarapan siya.

"Bakit tayo huminto dito?! Bakit 'di pa sa hacienda mo ko ibinaba, ha?!" I said, angrily.

He seriously drifted his eyes at me. "Why did you lie? What did you..."

Napalunok ako. He didn't finish his sentence. Kitang kita ko ang pag aalala sa kaniyang mukha at ang takas na galit na pilit dumadaloy sa kaniyang expression.

"I cancelled all my appointments and the board meeting because of you. Hell! I'm fucking worried to death!" nagtagis ang kaniyang bagang as his teeth clenched.

Nanlaki mga mata ko. Namuo ang iilang emosyon sa dibdib ko. Galit, guilty at pagsisisi. Hindi ko naman dapat 'yan maramdaman pero alam ko sa sarili ko na may mali rin ako.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now