Chapter 07

67 13 0
                                    

Chapter 07

**

Sinuri ko ang kaniyang buong mukha kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi dahil sinabi niya na wala siyang kilalang Cecilia. Hindi kaya ayaw niya lang talaga ipaalam sa akin ang tungkol doon?

"Wala ka talagang kilalang Cecilia? You're not kidding me?" pagbabakasakali ko.

He shook his head again one more time, "Smith. Kung sino man ang Cecilia na sinasabi mo wala akong kilala. Promise! Wala akong kilala na kahit sinong Cecilia."

"Are you sure? Hindi ba siya pamilyar for you or what?"

Mukhang kailangan ko rin tanungin si Limwell mamaya kapag nagkaroon ako ng oras para maglakas loob ulit siyang kausapin dahil alam kong hindi ako papatahimikin ng isip ko kapag hindi ko nalaman kung sino si Cecilia sa buhay nilang magkapatid.

"Yes. Why? Who's that Cecilia and you're too curious about her?"

I wobbled my head, "Nothing... baka kilala niyo lang... uhm... friend ko rin kasi na businesswoman at baka nakameeting niyo na or what..." I stuttured.

"Hmm... sa pagkakaalam ko wala ka naman kaibigan na Cecilia but nevermind, I didn't know her. Wala rin kaming nakameeting at nakapartner na ganoon na name. Or maybe... meron kaso baka nakalimutan ko lang."

"Oh I see! Sige papasok na ako!" I waved my hands at naglakad na papalayo sakanya.

Hindi niya inamin sakin kung sino si Cecilia. Mukhang wala talaga siyang balak sabihin kung sino yon. Si Limwell na lang talaga ang pag asa ko para malaman kung sino iyon pwede rin sila Ate Elisse at Kuya Kalli kung kilala nila ang pinag awayan ng mga pinsan nila.

Nagpahinga lang ako ng mga ilang sandali sa loob ng opisina ko at umakyat para ibigay ang ilan sa mga pinagawa sakin ni Limwell at Ate Eisse.

"Cecilia? Bakit hindi ko kasi tinanong ang apilyedo? Agad agad kasing umaalis si Stan nakakabadtrip talaga siya!" diretso pa rin ako sa paglalakad ko.

"Paano na lang kapag tinanong ako kung anong apilyedo edi wala akong masasagot? Pabitin kasi ng information si Stan!"

Napakamot pa ako ng ulo ko at nagpapadyak padyak sa sahig. Tatawagan ko na lang siguro mamaya si Stan kapag may oras ako at para tanungin pa siya. Subukan niya lang talaga akong babaan ng phone susugurin ko siya sa bar niya ngayon. Pakiramdam ko ay nababaliw na kasi ako sa pag iisip.

"Nakakainis!"

"Hindi mo ba alam na mukha kang baliw na nagsasalitang mag isa?"

Halos napatalon ako nang makita ko si Limwell na nakasandal sa pader at nakacrossed arms ito nang nakatingin sakin.

"Hi, Limwell!" awkward akong kumaway sa kaniya na may pilit na ngiti sa aking labi.

"Tss..." anito.

Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit siya sakin. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago muling tumingin sakin ng diretso.

"A-About what happened a short while ago," pag uumpisa niya, "I'm sorry. Hindi ko na dapat sinabi sayo..."

Umiling ako, "Wala 'yun. Hindi niyo naman kasalanan kung nagmahal kayo sa iisang babae."

Tinignan niya lang habang malumanay ang kaniyang pagkakatingin. Ilan beses akong napalunok dahil sa tingin niyang hindi mo maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating.

"Yeah... tangina lang," bulong niya, "Nauna ako pero umepal ang gago..."

Napangiwi ako sa kaniya. "Dapat magkaayos kayo ng kapatid mo. Babae lang naman iyon. Dapat meron isang mag give way sainyo kung sino ang gusto ng babae sa inyo respetuhin ng isa sa inyo tas mag give way na siya. Ganoon lang naman yon,"

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon