Chapter 21

62 12 0
                                    

Chapter 21

**

Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa malaking salamin. Inaayos ko ang mahaba kong buhok gamit ang curly brush na hawak hawak ko. Wala rin kwenta ang pag aayos ko dahil 'di rin ako pinayagan na lumabas ng hacienda.

Bawat hagod ng curly brush ay tinitignan ko ang aking sarili sa malaking salamin. My hair is wavy and long, it's a color chocolate brown with light red. I didn't put any make ups on my face except for the powder and lipgloss. That's all.

Padabog kong binaba ang curly brush, kinuha ko ang malaking sumbrero bago lumabas mula sa kwarto. I want to talk with Dad and Mommy. Gusto ko lang pumunta sa Puerto Galera pero ayaw akong payagan! I can manage myself. Kaya ko ng mag isa kahit saan pa ako pumunta. Gusto kong magtravel dahil isa ito sa gusto kong gawin habang nasa batang edad pa ako.

Kababa ko ay agad sumalubong sa akin ang nag uusap na sila Mom and Dad. Mukhang may seryoso silang pinag uusapan at baka naman tungkol sa business so I don't mind.

My mom accidentally looked at my place. She smiled at me. She's wearing a cocktail blue long dress.

"Oh Celestine dear, eat your food."

I pouted my lips. Padabog akong umupo sa tabi nila at tinignan sila ng may pagmamakaawa sa aking mukha.

"Mom..."

"No." Dad said.

Wala pa nga akong sinasabi. Determinado akong nginuso ang aking labi para maawa sila sa akin pero wala pa rin silang pakialam. Nasa laptop pa rin ang kanilang atensyon at wala sa akin.

"Mom! Dad! Please?" nag puppy eyes na ako sa kanila.

Napansin ko ang ginagawa nila sa laptop na parang isang bagong produkto na naman na kanilang pinagpla-planuhan para sa business namin sa Europe.

"I said no Celestine." pursigidong sambit ni Mommy.

"Mom! Matanda na ako! Isa pa, Puerto Galera lang naman iyon. Malapit lang siya!" ngumiti pa ako ng napakatamis tamis sa kanila.

Salubong ang kilay ni Daddy. "No, Celestine! You're just sixteen years old to travel for pete's sake. Ang bata bata mo pa!"

Matanda na kaya ang sixteen 'di ba? Alam ko na ang ginagawa ko. "Dad naman! Hindi na ako bata!"

"Pakinggan mo ang Daddy mo," ani Mommy. "Bata ka pa talaga at hindi ka pa pwede sa ganyan... dapat kasama kami naiintindihan mo?"

"Hintayin mo na lang ang pag uwi ng Ate Charlotte mo at Kuya Charlie mo sa susunod na dalawang linggo."

Napatayo ako. Pinadabog ko ang aking paa at lumabas mula sa hacienda. Nagkamot pa ako ng ulo dahil sa inis na nararamdaman ko. Kinunot ko ang aking noo dahil wala akong magawa.

Inayos ko ang suot kong yellow dress at ang malaking sumbrero sa aking ulo habang palakad palabas. I am not a go-lucky girl pero may pagkamakulit ako when it comes to things I want. Strict sakin ang parents ko dahil bata pa raw ako. I'm sixteen years old and I think, sixteen is already enough to be mature. Kalabas ko ay matanaw ko naman agad ang mga pananim na tinatanim ng mga hardinero.

Napansin kong nasa may halamanan si Diego at nagdidilig ito ng mga halaman kaya agad ko siyang nilapitan sa kaniyang pwesto.

"Hi Diego! Ako na lang magdidilig diyan, wala akong alam gawin ngayon sa hacienda," diretso kong sambit.

Kita ko ang pagkamangha at gulat sa kaniyang itsura. "Eh, Ma'am Celestine... baka po pagalitan ako nila Sir Ronnel at Ma'am Ethel."

Umiling agad ako. "No. Akong bahala sa 'yo, wala lang talaga akong magawa ngayon. Please?"

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now