Chapter 08

53 13 0
                                    

Chapter 08

**

Natupad naman ang sinabi ko kay Justine na mapapadalas ang dalaw ko sa bahay ampunan. Kapag dumadalaw ako ay minsan kasama ko si Ras dahil gusto niya raw akong samahan. Napagkakamalyan tuloy kami na magkasintahan dahil hindi naaalis ang sweetness sa'kin ni Ras kapag magkasama kami ro'n.

Sinabi pa ng ilang madre ro'n na baka pag nagkapamilya raw kami ay maayos namin mapapalaki dahil mahal na mahal daw ako ng boyfriend ko. In-explain ko naman agad sa kanila na wala kaming relasyon ni Ras na hindi sila agad naniwala.

Mag a-apat na buwan na ako sa LV Empire Incorporation at inaamin kong nakasundo ko na silang lahat. Laging maganda ang araw ko at hindi na boring. Napapadalas ang pagpunta ni Stan sa company para balitaan ako ng mga nangyayari sa buhay niya. Ako raw ang magiging kumare niya na sasabihan niya ng lahat kaya pumayag na ako.

"Celestine?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin na si Ate Elisse. May mga hawak hawak siyang folders kaya mabilis akong naglakad sa kaniyang gawi.

"Ate Elisse, tulungan ko na kayo..."

Kinuha ko ang iilang folders sa kaniya at hinawakan iyon. Tinignan ko siyang muli at nginitian.

"Saan dadalhin?"

Ngumiti siya sa akin, "Maraming salamat, Celestine. Sa office nila Ras at Limwell nalang. Mga documents 'yan na kailangan nila."

Tumango ako sa kaniya. Nagsimula kaming maglakad habang kasama siya. Maganda si Ate Elisse, mapaghahalataan ang lahing lacrosse villavista sa kaniyang mukha dahil ang ganda ganda niya. Mukha siyang beauty queen.

"Celestine?"

"Po?"

Huminga ng malalim si Ate Elisse, "Kamusta kayo ni Ras?"

"Okay lang naman kami. Mabait si Ras, nakakasundo ko siya sa mga bagay na gusto ko."

Kahit nakangiti si Ate Elisse kitang kita ko pa rin ang lungkot sakanyang mukha kahit 'di niya sabihin sa akin. Ramdam kong may gusto siyang sabihin sakin pero pinipigilan niya ang sarili niya.

Tumingin ako sa dinadaan namin na ngayon ay may mga employees na busy sa mga requirements at documents na kailangan ipasa sa'kin, tapos ibibigay ko kila Ras at Limwell.

"Masaya akong ayos kayo ni Ras... kahit papano napapasaya mo ang araw niya."

I frowned and looked at her again. "Pardon, Ate Elisse?"

"Napapasaya mo siya," ngumiti pa siya sa akin na mas lalo akong naguluhan pero ngumiti na lang din ako.

Dahil ganito rin naman ang usapan ni Ate Elisse, maganda siguro kapag tinanong ko siya kung sino ang Cecilia sa buhay nila Ras at Limwell. Honestly, I'm not satisfied with Limwell's answer.

"Ate Elisse, can I ask you?"

"Sure!"

I took a deep sigh, "May kilala ba kayong Cecilia?"

Napabagal ang lakad namin ni Ate Elisse. Tila nag iisip siya kung may kilala siyang Cecilia pero maya-maya ay bigla siyang tumango sakin.

"Cecilia Alvaros ba? Meron, why?"

Mabilis akong umiling sa kaniya at nginitian siya. Tatlo na ang nagsabi sa kanila na may Cecilia silang kilala pero si Ras lang ang humindi.

"Kaano ano ninyong mga Lacrosse Villavista?"

Kahit nakakahiya kailangan ko ng information tungkol sa Cecilia na sinasabi ni Stan. At pinakagusto ko talagang makausap tungkol dito ay si Stan.

Kita kong umiling siya. "Hindi ko alam... kasi ako kakilala ko lang she's my batchmate nung nasa college ako, ewan ko lang sa magpipinsan pa kung kilala nila."

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon