Chapter 49

56 11 0
                                    

Chapter 49

**

It has been two weeks and tomorrow is my engagement party. It was just a simple party, ayoko ng masyadong magara dahil pili lang naman ang darating sa mga bisita. Kung sino lang ang mga nakakakilala samin ni Ras.

"Are you ready for tomorrow?" tanong ni Mommy habang nakatingin sa'kin.

I nodded my head. "Why wouldn't I, Mom? Ito rin ang isa sa pinakahihintay kong event."

Natahimik si Mommy at napayuko pa ng bahagya. I slightly laughed because of my Mom's reaction.

"Mom naman. Why are you crying? Two months pa naman bago ang kasal ko diba?"

Simula nung nalaman ni Mommy and Daddy na ikakasal na ako ay naging mas emotional si Mom. Halos araw-araw niya akong kinakausap tungkol sa amin ni Ras at pagkatapos ay iiyak siya.

"Hindi ko maisip na pagkatapos ikasal ng kuya mo ay ikaw na ang susunod. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot dahil aalis ka na sa hacienda katapos mong ikasal..."

Nilapitan ko si Mom atsaka niyakap. Sa totoo lang, kahit ako ay naiiyak. Nasanay na akong kasama ang mga magulang ko pero alam ko naman darating dalawa kami sa puntong ganito na kailangan maging independent.

"Dadalaw at dadalaw pa rin naman ako. Hinding hindi ko kakalimutan ang dumalaw. Pangako!"

Tinaas ko ang isang kamay ko at ngumiti kay Mom. Pinunasan ko ang mga luha niya kaya napangiti na rin siya.

"Huwag ka lang talagang ipagdadamot sa amin ni Raius kung hindi iu-urong ko ang kasal niyo." She joked.

I pouted my lips, "Huwag kang mag alala, hindi naman po ganoon si Raius."

"Pinagtatanggol pa."

We just laughed after she said that. Honestly, Mommy is jealous with Ras pero maya-maya ay tinatawagan niya naman ito para itanong kung pupunta siyang hacienda para kumain at bisitahin na rin ako kaya ang end game ay laging nasa hacienda si Ras.

"May isusuot ka na ba bukas o papapuntahin na natin ang fashion designer para sa isusuot mo?"

Si Mommy talaga. Kanina lang ay parang against siya sa engagement party naming ni Ras pero ngayon ay siya na ang nagpro-provide ng isusuot ko.

"Puwede 'yung mga dati na lang po na hindi masyadong nagamit?"

I know. Our wedding is grand. Hindi lang basta-basta at tiyak na malaki ang magagastos but that's what my family and his family wants. Bunso raw ako at bunso din si Raius kaya gusto nilang ibigay ang magandang kasal.

Mom eyebrows creased. I just noticed it now, she is wearing a color blue contact lens kaya naman pala akala ko ay foreigner ang nasa harapan ko.

"What? Of course not! Mamaya magpaparush na tayo ng maganda mong isu-suot para sa engagement party. Kahit na ayaw mo ng masyadong engrande pagdating sa party na ito gusto ko na maganda ka pa rin."

I couldn't do anything but to agreed what she wants dahil hindi naman ako makakatutol.

"Kaya naman kaya ng fashion designer na hanggang bukas?"

"Dapat lang niyang kayanin."

May mga oras talaga na napakamatapobre ni Mommy na pagdating sa'kin ay wala siyang sinasanto. Buti nga ay hindi sila nag aaway ni Dad dahil alam ko naman na hindi siya kaya ni Mommy.

"Huwag masyadong pagurin, Mom. Maayos na ako sa simple lang..."

Hindi na siya sumagot basta ang sinabi niya na lang ay magbihis na ako para makapunta na sa fashion designer na kakilala niya.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now