Chapter 03

118 15 0
                                    

Chapter 03

**

Sinamaan ko agad siya ng tingin ng sabihin niya iyon. "What are you talking about? Naghahanap ka ba ng pagtri-tripan? Wag ako ha!"

He laughed sexily. Napalunok ako dahil ang sarap sa tenga ng kaniyang tawa, napakasexy at tila isa itong awit sa tenga.

"You're blushing..." he teased me.

Hinampas ko ulit siya sa kaniyang braso. "Shut up! Mainit ang loob ng VIP room kaya ako namumula huwag ka ngang ano dyan!"

"What? Mainit pa ba sa 'yo ang todong aircon? Grabe naman!" narinig pala ni Stan ang pag uusap namin.

Oo nga pala sa kaniya bar ito kaya natural lang na magrereact siya pero sa totoo lang kasi malamig na at nakakaginaw na nga sa loob.

I also gave him a glare. "Shut up, Princeus Constantine."

His eyes widened. "Oh! Chill! Walang banggitan ng full name. Shut up na nga, e..."

Tinalikuran ko na si Ras at kumuha ng wine glass. Hindi ko na lang din pinansin ang sinabi ni Stan. Kinuha ko ang isang sparkling wine and white wine at parehong naglagay sa iisang baso.

"Wag mo'ng damihan iinumin mo ha?" bulong niya sa tainga ko. "Bahala ka pag naglasing ka sa mansion kita iuuwi..."

Nanlaki mga mata ko at nahampas ko siya ulit sa sinabi niya. "Alam ko ginagawa ko! Huwag kang magjoke okay? Hindi ako malalasing."

Uminom lang ako at hindi na nagsalita si Ras. Hindi ko alam kung nakakailan na ako pero alam kong madami na. Hindi pa naman ako tinatamaan ng alak kaya maayos pa ako.

Nakita kong tumayo si Lacy para kunin ang microphone at kumanta. Maingay na ang loob ng VIP room kaya naman nag ingay na rin sila.

"Cels! Ikaw naman kumanta!" sabi ni Danica ng matapos kumanta si Lacy ng isang rock song.

"Huwag sasakit ang tenga niyo!" ani Clarisle at mukhang nakainom na.

I shook my head dahil nakatingin na sila sakin. "No way... I can't sing..."

"You can..." bulong ng katabi ko. "I know you can, Smith."

Ngumuso si Polly at binigay sakin ang microphone. "Walang hindi kaya! Kumanta ka na. What's your song?"

Sa totoo lang, marunong akong kumanta pero hindi ako magaling. Magaling ako pagdating sa pagsayaw pero sa kantahan I don't know at hindi ako biniyayaan ng ganda ng boses.

"Oh my..." I whispered, "I can't -"

"Drowning of backstreet boys. Enter it." nginisian niya ako.

"How dare you, Ras? How did you know my favorite song?"

Sumandal siya at ngumisi sakin. "Baby, it's also my favorite song..."

Ano'ng tinawag niya sa akin?

"Edi ikaw kumanta!" then I rolled my eyes.

"Ano'ng ako? Tayong dalawa,"

Nakita kong may dalawang microphone na binigay samin. Alanganin ko pang tinanggap iyon habang si Ras ay inaayos na ito.

Nag instrumental na sa una ang kanta kaya nag ready na siya, alam ko naman na mamaya na ako kakanta sa chorus na at hayaan ko muna siyang kumanta. I want to hear his voice.

He looked at me and winked his eyes kaya kumabog ang puso ko at umiwas ako ng tingin.

Don't pretend you're sorry
I know you're not
You know you got the power
To make me weak inside

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now