Chapter 02

123 14 0
                                    

Chapter 02

**

Hindi na muna ako lumabas ng opisina hangga't 'di ako pinapatawag dahil sa weirdong lalaki kanina na nangangalang Stan na bigla na lang kilala ako.

My phone rang and it was a call from my best friend Clarisle. I answered it immediately.

"Celestine!" masayang bati niya sakin.

"Masaya ka yata? Ano'ng meron?"

Tinignan ko ang kabuuan ng opisina at napansin kong may CCTV sa may sulok. Pwede kayang magcellphone dito kapag oras ng work?

"Sempre ako na ang CEO ngayon ng company namin! Nakakatuwa talaga!" humalahakhak pa ito.

"Wow! That's wow! Congrats!" napatayo pa ako dahil sa tuwa. "Finally!"

Matagal na rin niya gustong maging CEO ng kanilang company kaya she did her best para maging CEO ito and that's it.

"Magcelebrate tayo mamaya! This is the best day of my life! Atsaka i-celebrate na rin natin ang unang pagtra-trabaho mo sa LV Empire!"

Sinabi na rin naman sa akin ang schedule dahil may nagpadala sa akin kanina ng sulat dito na nakafolder kung nasaan lahat ng gagawin ko. Dahil bago ako, para akong natuturing prinsesa rito. Ano'ng pinagkaiba sa company namin?

Seven ang labasan kaya may oras pa ako para magparty kapag uwian na. Sana nga matapos na ang araw na ito. Hanggang kailan ba ako maboboring ng ganito?

"Sure! Eight o' clock, puwede na? Uuwi pa ako para magpalit ng damit."

"Oo sige! I'll wait for you! Isasama ko na lang mga kaibigan ko na slight mo lang na kaibigan!"

Sa totoo lang maraming kaibigan si Clarisle pero ako ang pinakakaibigan niya. Hindi ko trip ang iba niyang kaibigan dahil mukhang masungit at may attitude.

"Oo na. Sige na I'll hang up. Baka bawal pala ang paggamit ng phone dito. Talk to you later."

I ended the phone call at ibinalik ko to sa shoulder bag ko. Tumayo ako para tignan ang wall clock na nasa may bandang gilid kung saan makikita mo pa lang kapag tumayo ka. Iba kasi ang oras nila sa company na 'to sa phone ko kaya nagdadalawang isip ako kung papalitan ko pa ba ang oras sa phone ko.

I did some stretching dahil sa wala akong magawa sa unang araw ng trabaho ko. Gusto ko na ngang katukin sila Limwell at Ras kung may ipapagawa ba sila sa'kin pero naunahan ako ng kaba at hiya.

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng opisina. It was a color lavender wall and a light violet color of ceiling. I frowned. Ganito ba talaga ang opisinang ito? Parang pambata hindi naman ganito ang opisina nila Limwell at Ras kaninang pumasok ako. It had a plain white ceiling and wall.

Mahilig siguro sa violet 'yung taong umalis dito. Favorite ko ang violet kaya maganda ito sa mata ko pero ewan ko lang kapag may nakakita na ibang tao baka sabihin na pang childish ang kulay. However, it wasn't my idea to paint a color violet and lavender on the wall.

Limwell and Ras have similarities and I wonder if they are siblings. Nakakahiya naman magtanong sakanila baka sabihin nila feeling close ako dahil employee lang ako rito. Naiiba lang ng hitsura sa kanila ay si Stan at di ko alam kung anong ginagawa niya rito.

After an hour, I get my shoulder bag and the key. Kailangan ko ng umalis dahil oras na rin naman. Hindi ko na naisipan pang magpaalam sa mga Lacrosse Villavista basta na lang ako umalis at nag sign out.

Sinalubong ako ni Mommy kapasok ko ng hacienda. "Celestine!"

I smiled at her. "Hi Mom. Where's Dad?"

"Oh! Nasa office room niya. Kamusta ang trabaho? May nangyari bang maganda o masama?"

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now