Chapter 35

48 12 1
                                    

Chapter 35

**

It was the worst day for me. Naguluhan ako sa nararamdaman ko kahit alam ko na dapat ay hindi naman. I know to myself that I love Ras but Limwell still has an impact on me. I wouldn't be like that if he doesn't affect me anymore but I over reacted. And it was wrong.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo dahil sa ginawa ko.

Ilang taon nang naghihintay sa'kin si Ras kaya walang dahilan para ipagpalit ko siya pero naisip ko rin na ilang taon din akong naghintay kay Limwell.

I'm being unfair. I'm being hypocrite and unloyal. Hindi ako nagiging kuntento sa nararamdaman ko. Kahit pilit kong kinukumbinsi na ang puso ko na si Ras na ang gusto ko ay hindi pa rin nababago na kumakabog ang puso ko para kay Limwell.

"Celestine, ikaw na lang ang bahalang mag isip sa concept ng sayaw natin next week," ani Natalie.

Isa siya sa topnotcher dito sa University kaya sikat din siya pero hindi sa way na mang-aaway siya o kaya ay lalaki ang ulo. She's not nerd dahil maayos naman siyang manamit. Meron lamang siyang malaking salamin sa kaniyang mata at palaging nakaipit ang kaniyang buhok.

Tumango ako. "Oh, sige, susubukan kong gumawa ng concept tas i-check niyo na lang kung maayos o hindi..."

Hindi na ito nagsalita. She just nodded her head at pumunta sa harapan para mag announce ng kung anong bagay na kailangan para sa dance na ipe-perform namin next week.

"Celestine, gawin mo na rin 'yung steps! Kung may maiisip ka! Kailangan na bukas 'yon!" sigaw naman ni Clinate sa may dulo.

Walang gana akong tumango sa kanila. Nawala nga sina Anelia pero may pumapalit naman ngayon. Kung hindi lang ito grades ay hindi ko gagawin ito. Why would I make myself tired? Pero iniisip ko rin na ako lang ang maaasahan nila sa pagsasayaw.

"Puwede na 'yung mga basic lang na steps? For example, 'yung stretching is iibahin lang natin ng kaunti kasi 'di ko alam kung kaya kong mag isip ng steps habang ginagawa ko ang concept..."

Nagiging busy din kasi ako sa lahat ng bagay. Hindi lang sa pag aaral ang tuon ko. I have my own life. Gusto kong mag-enjoy pero di ko magawa. Sumama ang timpla ng kanilang hitsura sa'kin na para bang hindi sila sang-ayon sa gusto ko.

Tumikhim ako at tumango. "B-But I still do my best para hindi maging basic lang ang steps natin,"

Bahala na siguro kung ano ang magagawa but I don't want them to be disappointed. Kahit ako naman siguro ay hindi ko gugustuhin na pangit ang gawa ko.

They rolled their eyes at me.

"Huwag mong gawing pambata ang concept at steps natin! For pete's sake, ayokong mapahiya sa harapan!"

Si Nina na ngayon ay umiirap-irap sa akin. Hindi ko na kaklase sina Anelia pero bakit bawat level ko ay nagkakaroon ng mga may hate sa'kin. What did I do wrong?

"S-Sorry... susubukan ko talagang ayusin, kung magpuyat ako para dito at kahit huwag ng matulog ay ayos na basta maayos ang aking pagkakagawa."

"Nangongonsensya pa..." bulong-bulong na sabi ni Chersa.

Hindi na lamang ako sumagot doon at ngumiti sakanila. "I'll assure you bukas na bukas itu-turo ko na step by step o kung maaari, kung wala ako ay ive-video ko na lang ang sarili ko para sa ganon ay magagawa niyo..."

Nagsi-upo na sila at tumalikod sa'kin. Napaupo na lang din ako at napabuga ng hininga. Hinilot ko ang aking sentido at pinikit ng mariin ang aking mga mata.

Drowning (Lacrosse Villavista Series #1)Where stories live. Discover now