Chapter 2

263 10 0
                                    

Winzea

Hala hindi maaari, paano nangyari yun?

"Huy Winz! Kailan mo pa nagustuhan ang HRM eh hindi ka nga marunong magluto?"

"Railyn, isa tong malaking pagkakamali! Kasalanan to ni Lewis"

"Ha? Close kayo? Eh anong balak--"

Di ko napinakinggan ang sinasabi ni Railyn dali dali akong tumayo at nagtungo sa registrar. Kahit tinatawag niya ako, di ako tumigil sa paglalakad. Kailangan kong maipabago ito. Anong oras na ba?

Napasulyap ako sa malaking wall clock ng school 4:40 na. Bukas pa ang registrar ng hanggang 5. Makakahabol pa ako.

"Miss Mindy excuse me po"

"Oh ikaw pala, yung kanina. Nagmamadali ka mag fill up kanina di kita makakalimutan."

"Opo, miss pwede ko po ba ipabago sched ko nagkamali po kasi ako ng kuha kanina"

"Tsk. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Tinanong kita kanina kung sigurado ka, sabi mo oo at nagmamadali kang umalis. Teka titingnan ko"

"Salamat po."
Yes may pag asa pa, akala ko talaga mag shishift na ako sa course na di ko gusto.

"Ahh, Winzea Luna? Tama ba"

"Opo miss."

"Kung gusto mo talagang bumalik, mukhang kailangan mong i-drop lahat ng subjects mo."

"P-Po? Eh di ko pa naman po naipapasok miss baka pwede pong papalitan nalang ung sched ko?"

"Winzea, medyo kumplikado kasi yung gusto mo, pumasok na system at nakarecord na enrolled ka as HRM student. Nung first year ka, nakuha mo na lahat ng subjects same as subjects sa HRM dahil pareho lang ang curriculum ng first year pero iba na kasi ito. HRM ang nai-enroll mo so kailangan mo talagang mag drop. Per subject Winzea babayaran mo ang bawat i dro-drop mo at kung mag eenroll ka babayaran mo lahat ulit ng i-eenroll mo dahil nagamit mo na ang free tuition nang mag enroll ka kanina. Magiging magastos masyado."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ano nang gagawin ko? Paano ko to sasabihin sa parents ko?

"Ahh sige po salamat ng marami Miss Mindy."

Tumalikod ako at naglakad palayo sa registrar.

Di ko maisip paano ba yun nangyari, nagkamali ba ko ng pag fill up kanina? Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Paano na ang pangarap ko

Natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad patungo sa basketball court, mukhang may game pero--

"Ouch, aray."
Nakita ko nalang na nahulog yung mga laman ng folder kong mga forms,  sa sobrang tulala ko, di ko namalayan na may nakabangga akong lalaki. Mukhang isa sa mga player suot nya ang jersey number 10.

"Pasensya na miss.."

Saglit akong napatingin sa kanya, charming sya, yung pwede kang magka-crush sa unang tingin palang. Matangkad, medyo mapula ang balat niya dahil siguro likas na maputi siya. Kitang kita ang toned na braso nya siguro ay dahil varsity siya. Medyo bagsak ang buhok niya dahil basa ng pawis, matangos ang ilong, brown ang mga mata, at may mapuputing pantay pantay na ngipin. Nakaka intimidate.

Dali-dali nya akong tinulungang magpulot ng mga gamit ko. Mukhang papunta siya ng canteen pero dahil tulala ako nabangga ko siya.

"Miss okay ka lang ba?"

"Ahh o-oo okay lang ako, salamat"

"Pasensya na ha di kita iniwasan, akala ko kasi nakikita mo ako pero mukhang malalim iniisip mo nabangga tuloy kita, akala ko kasi iiwas ka sorry talaga."

Nagsasalita sya habang iniipon nya ang mga papeles ko.

"Hindi, okay lang talaga, sige na ako na magpupulot nito balik kana sa game nyo"

"Kasalanan ko din ka-- ah? HRM ka din? Oh same block pala tayo."

Sabi nya ng pulutin nya ang enrollment form ko.

"Eto na lahat, sorry talaga ha. See you bukas, sure ako magkaklase tayo sige ha!"

Tumakbo na siya pabalik sa game nila, nakalimutan na yata niya ang pupunthan niya.

Sandali muna akong sumilip sa court, madaming nanunuod kaya siguradong di niya ako mapapansin.

"Huy! Winz ano na balita okay na ba?"
Nagulat ako kay Railyn di ko expect na nanunuod siya ng basketball match.

"Rai.." napabuntong hininga ako

"Winz, wag mo na ituloy, alam ko na! kain nalang tayo ng ice cream treat kita para ma cheer up ka naman! Wala naman masama kung mag shift ka eh pero mamimiss kita huhuhu. Tsaka isa pa madaming gwapo sa HRM department at sa wakas matututo ka na din magluto! Hindi na puro instant noodles ang kakainin natin pag tambay sa bahay niyo hehe"

Alam kong gusto lang akong i-cheer up ni Railyn. Alam kong malungkot din siya para sa akin.

"Sige ha! Sabi mo yan ililibre mo ko ha!"

"Oo naman wag mo ko kakalimutan kahit na sa ibang department ka na ha? Wag mo ko alalahanin. Madami na akong kaibigan at kakilala naman natin most ng mga kaklase natin diba. Sayo ako nag aalala wala kang kakilala kahit isa."

"Hindi ah, kilala mo yung nka jersey number 10? Tinuro ko yung lalaking kasalukuyang nag dri- dribble ng bola.

"Waaaaa isa din sya sa hotties sa school Winz! Oo kilala ko siya"

"Hmm tingin ko kilala na niya ako nagkabunggo kami kanina"

"Waaa kainggit ka naman sana ako din makilala niya hihi"

"Ang kire neto, mag aral muna Rai, at anong nakaka inggit? Gusto mo palit tayo o kaya mag shift ka din para masaya."

"Hahaha no thanks Winz masaya na akong nasisilayan ko sila. Ang cute talaga ni Cleen"

Mukhang kinikilig pa ang bruha. Dali dali kong hinila ang kamay niya at naglakad na kami palayo sa court

"Tara na ililibre mo pa ako di ba?"

"Oo na nga!"

Muli akong napasulyap sa court at tinitigan ang nakasuot ng jersey number 10. Pagtalikod niya, nakita ko ang ang nakasulat sa likod ng jersey niya. "Zedler" yun siguro ang surname niya.

-2-

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now