Chapter 4

219 8 0
                                    

Winzea

Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Hindi ko alam, pero tuwing nakikita ko siya kumukulo ang dugo ko. Lahat ng paghihirap na nararanasan ko ngayon dahil sa kanya.

"Nauna ako dito. Humanap ka nalang ng ibang upuan" Sambit niya

"Paano ka nauna? Eh wala ka naman kaninang first period ng klase?"

"Edi ngayon nauna ako, walang permanenteng upuan college na tayo"

"Alam mo, ang gulang mo talaga, sanay na sanay ka mang agaw ng hindi sa iyo. Nung una, ung form ngayon upuan naman?"

Tumayo siya sa upuan pero nakatitig parin siya ng masama sa akin.

"Hehe, ang sarap mong inisin. Di ko naman intensyon na agawan ka. Sorry na"

Tila nagbago ang awra niya. Kanina mukha siyang masungit na malalim ang tingin sa akin, ngayon naman humihingi siya ng paumanhin. Autistic ka ba?

"Anak ng.."

"Tokwat baboy" dugtong niya

"Alam mo miss, ang simple ng buhay di mo kailangan gawing kumplikado. Pero alam mo natutuwa ako sayo kasi kaya mong ipaglaban ang mg bagay na dapat ay sa iyo. Pero minsan, yung mga bagay na pinapaglaban mo baka naman hindi na para sa iyo. Kaya sa huli ikaw ang magsisisi bakit pinaglaban mo pa."

Ano namang walang kwentang pinag sasabi niya? Teka, pinaglaban? Nagsisisi?

"Sandali nga" pinigilan ko siya bago siya tuluyang makalayo

"Yung..." di ko maituloy yung sasabihin ko, parang ayaw kong malaman.

Dahan dahan siyang humarap sa akin, at tipid na nagbitaw ng ngiti.

"Oo, tama ka. Yung form na pinasa at finill up mo. Na check-an ko na yung 'Shifting' at nilagay ko na ang course na 'HRM' nung kinuha mo yun. Siguro hindi mo napansin. Masyado mong minadali mag fill up at ibinigay kay miss Mindy. Pasensya na kung nandirito ka ngayon. Siguro ayaw mo dito pero wala ka na magawa tama ba? Expected ko din na makikita kita dito. Sige dyan ka na hahanap lang ako ng upuan"

Nanlumo akong napaupo sa upuan. Bakit ang tanga tanga ko. Narealize ko na yung enrollment form ang tinutukoy niya.

Pero huli na para pagsisihan ko pa lahat. Kahit kasalanan ni Lewis, may kasalanan din ako dahil di ko binasa ng mabuti ang papel.

Sana lang, maitama ko pa.

Sakto naman na nag datingan na ang mga kaklase ko at naupo mukhang magsisimula na ang klase.

Napansin ko naman na hindi na tumabi si Cleen na akin. Bakit parang nalungkot ako. Di na bale.

---

Alas-singko na ng hapon nang matapos ang klase. Bakit parang iniiwasan na ako ni Cleen? Nasaktan ko ba siya kanina? Masyado siyang mabait pero bakit ganun ang ginawa ko.

Kailangan ko ata humingi ng paumanhin.

Dali-dali akong kumuha ng papel at nagsulat ng liham para humingi ng paumanhin. Buti nalang wala nang tao sa room kundi ako, nagsilabasan na silang lahat. Sa pagkakaalala ko may practice ang basketball team ngayong hapon kaya pwede ko pang mahabol si Cleen.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now