Chapter 18

132 7 0
                                    

Cleen

Ilang araw na din ang nakalipas mula nung nag out of town camping kami.
Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko nung narinig ko iyon mula kay Winzea. Hindi ko rin naman kayang i-explain sa kanya kung ano ang mayroon kay Lewis at Hope. Pero alam ko naman na walang lihim na habang buhay maitatago.

"Winzea, kanina mo pa pinapikot-ikot yang pasta sa plato mo" Di ko na kasi mapigilan, ilang araw na ring wala sa sarili si Winzea

"Cleen naguguluhan ako, diba dapat wala naman akong pakialam sa kanya? Sino ba ako diba? Wala lang naman ako sa kanya." Walang buhay niyang sabi.

"Alam mo Winzea, ang problema kasi hindi naman nawawala sa buhay ng isang tao iyan. Lahat ng tao may problema, minsan hindi lamang natin alam kung paano i-handle. May mga tao na kinakalimutan ang problema, may mga tao na binabalewala ang problema, may mga tao na tinatakbuhan ang problema, at may mga tao na gumagawa ng paraan pero in the end, lumalala lamang ang problema. Ang pinaka mahalaga, dapat matuto tayong harapin ang problema ng positibo at tanggapin ang anumang mangyayari. Hindi ba?"

Nakita ko naman na tumango tango si Winzea sa sinabi ko. Mukhang alam na niya ang gagawin niya.

"Winzea may practice kami mamaya, di kita maihahatid sa inyo." Sabi ko sa kanya.

Mula kasi nung nag camping kami, ako na ang naghahatid sa kanya at bumabalik nalang ako sa dorms.

Nakita ko naman na tumango siya. Matapos naming kumain, bumalik na kami sa klase namin. Paminsan minsan ay nakikita ko na sumusulyap siya kay Lewis.

Natigil ako sa pag tingin nang siniko ako ni Ethan.

"Bro, ligaw tingin ka nalang ba? Bakit ba kasi hindi mo nalang siya ligawan?" Aniya

"Alam mo naman na hindi pwede diba? Una si Lewis ang gusto niya. Pangalawa, magkaibigan kami ni Lewis at alam kong ganoon din ang nararamdaman niya para kay Winzea" pabulong kong sabi, nagkaklase kasi kami ngayon.

"Pero lagi lang siyang sinasaktan ni Lewis?" Bulong niya pabalik.

"Kahit na ano pa man yon, ayokong manghimasok sa kanila. Lalo lamang gugulo ang lahat, masaya na ako na nasa tabi ako ni Winzea." Yun na lamang ang nasabi ko.

Lumipas ang oras at natapos na ang mga klase namin. Oras na ng aming practice, di na ako nagpaalam kay Winzea, alam na naman niya iyon.

"Cleen focus please!" Sigaw ng coach namin.

"Ano nangyayari sa iyo Zedler." Nag aalalang tanong ng teammate ko.

"Pagod lang ako. Madami kasi akong ginagawa." Yun na lang ang nasabi ko.

Nung tapos na ang game ay dumiretso ako sa locker room naming mga player at naupo para magpahinga.

Tuluyan akong napaisip kung tama pa ba ang ginagawa ko. Nung una alam ko na gusto ako ni Winzea, pero natatakot ako na pati siya ay mawala dahil sa katangahan ko tulad sa nangyari kay Cleia at kay Kristine.

1 year ago, I was in first year college. Ilang buwan na ang lumipas nung nawala si Cleia, ilang taon na nang magbago ang takbo ng buhay ko.

Pagkamatay ni Cleia ay natuon na sa akin ang buong atensyon ng mga magulang ko. Wala na silang ibang inalala kundi ako.

"Cleen sigurado ka ba na ititigil mo na ang pagkuha ng medisina? Sa college ba ay pursigido ka na gagawin mo ang gusto ni Cleia." Ani mommy

"Opo, hindi na mahalaga para sa akin ang pangarap ko. Gusto ko ay matupad ang pangako ko. Mas mahalaga para sa akin na matupad ang pangako ko para kay Cleia kaysa sa pangarap ko."

Accidental ShiftTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang