Chapter 39

91 5 0
                                    

Winzea

"Okay class, midterms is approaching, pagkatapos noon, saglit lamang at finals na din agad. Better focus on your studies, mabuti nga at walang sobrang daming events pag second sem." Ani ma'am.

Di ko alam kung lecture ba namin iyon, basta alam ko ay nagtuturo siya pero bawat topic ay may segue siyang sinasabi.

Patago akong humikab dahil pag nakita ako ay malilintikan ako sa kanya. Sobrang boring naman kasi ng mga sinasabi niya.

"Nakakainis, next year talaga tatakbo ako bilang SSG president. Walang kwenta, dinahilan pa nila ang sunod sunod na exam kung bakit walang events? Di ba nila alam na gusto ng mga estudyante na nakakapag relax kahit paano. Saan kaya napupunta ang pondo nila?" Bored na sabi ni Hope sa akin.

Mabilis lamang natapos ang christmas break. Payapa naman ang celebration namin kasama ang pamilya ko, maging new year ay sama sama kami. Araw araw din naman nag vivideo call si Lewis sa akin, araw araw din daw kasi niya akong namimiss. Kung may award man na cheesiest, malamang ay natalo niya ang pinaka cheezy na pizza. Okay corny, bye.

"Oo nga pala class, hindi ba may tatlong International varsity players ng Dawson dito sa section niyo? Kalat ngayon sa forum ang nalalapit na national intramurals. Alam ko ay kayo lamang ang exempted." Ani ma'am. Dahil doon ay nakarinig ako ng nga bulungan sa mga kaklase ko na tila naiinis sila dahil sa mga pangyayari. Sila Cleen, Steeve at Ethan lamang ang may event.

---

"Winzea sumama ka sa akin!" Ani Cleen, di pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako sa pulsuhan. Nagtatawanan naman si Steeve at Ethan.

"Saan ba kasi?" Tanong ko. Deep inside iniisip ko na baka umuwi na si Lewis at may sorpresa para sa akin. Pero nagulat ako dahil sa indoor court nila ako dinala. Nahiya naman ako, nandoon kasi ang mga teammates nilang lahat, pati ang coach nila. Ako lamang ang babae bukod sa coach nila. Ito yung sinasabi na huwag kang mag eexpect basta basta. O kaya ay wag kang sasama kung hindi mo alam ang pupuntahan.

"Coach, siya po iyon." Ani Cleen at ipinapakilala ako sa coach nila. Lalo lamang nag salubong ang kilay ko.

"Oo nga pwede, pwede." Sigaw nung nakasuot ng number 1 sa jersey.

"Baka magalit si Lewis." Ani Ethan, nakita ko na kakasuot niya lamang ng jersey niyang '00' ang number. Walang maisip?

"Ako bahala, bakit ba?" Ani Cleen. Ang tapang tapang niya. Ano bang pinag uusapan nila.

"Ano bang pinag uusapan niyo? Bakit hindi niyo sabihin sa akin!?" Irita kong tanong kaya nagtawanan sila. Seriously?

"Oo nga pwede nga, hindi siya maaapi." Sabi naman nung naka jersey na number 4.

"Tama na nga iyan." Saway nung coach nila. Di ko alam ang pangalan niya, pero masasabi mong muscular ang katawan niya pero litaw parin ang kagandahan niya kahit morena at naka pixie cut ang buhok niya. Bumaling siya sa akin at inabot ang kamay niya.

"I'm coach Emma, Em for short. Mukhang ikaw ang sinasabi ng aming team captain na magiging muse. Alam mo ba?" Tanong niya sa akin habang nakikipagkamay ako sa kanya.

Dahil doon ay napalingon ako kay Cleen at nag peace sign naman siya sa akin. "Hindi ako pumapayag." Malamig kong sabi.

"Whooooooow." Nagsigawan ang mga teammates niya. Ang lalakas nilang mang inis.

"Boom, basag" sabi ni Steeve, naka jersey number 11 na siya ngayon.

"Burn, sunog!" Sabi nung naka jersey number 14.

"Paano ba yan captain?" Tanong ni Em kay Cleen.

Tumingin naman sa akin si Cleen, alam mo yung titig na parang naka-puppy eyes? Ganoon na ganon. Parang pag kumakain ka sa park, tapos may lalapit na aso sa iyo at tititigan ka! Grabe, parang sinasabi niya na pinapahiya ko siya sa teammates niya.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now