Chapter 31

79 6 0
                                    

Winzea

"Be my girlfriend Winzea" muli niyang sabi habang hawak niya ang mga kamay ko. Magkaharap kaming dalawa.

Patuloy siyang nag aantay sa sagot ko, maging ang iba ay nakikinig lamang sa sasabihin ko.

Nakangiti si Cleen habang nakatitig sa akin at bahagya niyang binitawan ang isa kong kamay at sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri.

Bigla siyang huminga ng malalim at bigla niya akong hinigit sa pulsuhan. Wala akong nagawa nang tangayin niya ako at daanan namin ang mga taong nakatingin sa amin.

"Please feel free to party and enjoy my birthday, we just need privacy!" Aniya  habang nilalagpasan namin sila.

Ngumiti naman sila at nagsipuntahan sa backyard garden. Habang kami ay naglalakad ng mabilis palabas ng bahay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Diba sabi ko palagi kitang pasasayahin. Sa lugar kung saan masaya." Aniya at pinagbuksan niya ako ng pinto sa kanyang sasakyan.

Pumasok ako at naupo sa passenger seat. Umikot naman siya at pumasok sa kabila. Nagsimula na siyang magmaneho at diretsong tumingin sa daan. Madilim na.

Sumulyap ako mukha niya at tanging mga reflection lang ng ilaw lang mula sa kalsada ang tumatama sa mukha niya. Napalunok ako at naghanda ako ng sasabihin ko sa kanya. Ayaw ko siyang masaktan pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito.

"Uhm Cleen... "

"Winzea you don't have to answer that fast. I won't force you." Bahagya siyang sumulyap sa akin at ngumiti. Pagkatapos ay tumitig siyang muli sa kalsada.

"Pero hindi kasi... Ano... " hindi ko alam kung paano ko sasabihin na binubusted ko na siya agad. Pero ayaw ko lamang na umasa pa siya sa akin.

"Nung simula palang hindi ba? Sinabi ko na gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin. Hayaan mo lang ako. Hindi ko naman papakialaman ang feelings mo. Okay lang kung ako lang ang nagmamahal." Bigla niyang utas. Hindi ko alam pero bigla akong naguilty. Alam niya na ba ang gusto kong sabihin?

"At tungkol dun sa kiss... Ano.. " mukhang nahihiya siya. Kahit ako naman. Bakit ba kasi niya yun ginawa.

"I just want a souvenir, birthday gift na din. HAHAHA I know your heart will never be mine that's why I stole a kiss. I'm sorry. Hindi mo naman first yun hindi ba?"

"First ko yun." Biglang nanlaki ang mga mata ni Cleen at inihinto niya ang sasakyan sabay harap sa akin.

"Seryoso?" Di siya makapaniwala kaya naman tumango lang ako.

"HAHAHAHA. Weak pala ni Luwi! HAHAHA" Bigla ko siyang pinaghahampas sa braso niya.

"Sira ka! Saan ba kasi tayo pupunta?" Nagtataka ko paring tanong.

Ngumiti siya ng tipid at nagsimula na ulit magmaneho. Di niya sinagot ang tanong ko. Nanatili lamang siyang tahimik.

Nagulat ako nang biglang ibang daan na ang tinatahak niya. Biglang kumalabog ang puso ko at kinabahan. Parang alam ko kung...

"Cleen? Bakit papunta tayong Airport?" Tanong ko agad naman siyang ngumiti sa akin.

"I said earlier that I will bring you happiness. Kaya dadalahin kita kay Luwi." Sincere ang ngiti niya nang sabihin niya iyon. Di ako makapagsalita dahil doon.

"Why?" Iyon na lamang ang naitanong ko. Patuloy na gumulo ang isip ko.

"I know that I used to make you happy. But Winzea, iba ang saya mo dati. Alam mo yun?  Oo narealize ko dapat gawin ko ang lahat nang hindi ko pagsisisihan. Masaya naman ako at nakasama kita kahit sa maikling panahon lamang. Alam kong masaya ka din na kasama ako, pero bilang kaibigan. But love brings different happiness." Aniya. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now