Chapter 42

98 6 1
                                    

Winzea

Pinagmamasdan ko ang payapang pagtulog ni Lewis habang nakahiga siya sa kanyang kama, nandito parin kami sa kanyang silid.

Unti unting minulat ni Lewis ang mga mata niya. Kanina pa siya tulog at hindi ko binibitawan ang kamay niya mula kanina.

Mabuti at agad akong dinaluhan ng mga maid nila kanina nung nawalan siya ng malay. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ngunit sabi nila ay normal lamang na nangyayari iyin at agad pa nilang tinawagan ang family doctor.

"Wag ka munang bumangon." Angal ko sa kanya dahil pinipilit niya.

"Okay na ako Shine." Nakangiti pa siya sa akin habang sinasabi iyan. Gusto kong hampasin ang braso niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sabi ng doctor mo bawal ka sa sports, bakit naman nakipaglaro ka pa kay Cleen kanina! Tapos nagpaulan ka pa. Lagi mo na lang ba akong pag-aalalahanin?" Diretso kong sabi, batid ko na naluluha na ako habang sinasabi ko iyon.

Hindi ko maiwasang isipin na may mangyayari sa kanyang masama. Hindi ko alam kung makakaya ko ang ganon. Nag aalala lang naman ako eh.

"Winzea..." sumeryoso ang boses niya. Alam kong pag tinawag niya na ang pangalan ko ay ibang usapan na iyon.

"Naiisip mo bang iwanan ako dahil sa sakit ko?"

"No!" Bakit naman ganyan ang iniisip niya!

"Tingnan mo, hindi ba parang unfair sa iyo ang sitwasyon natin. Hindi ka ba nag-iisip ganoon? Hindi naman ako magagalit shine. Gusto ko lang na maging practical ka, doon tayo sa totoo. Paano ka na lang kung mawala ako?"

Parang nagpintig ang tainga ko dahil sa sinasabi niya. Bigla akong naluha. Hindi ko alam kung paano ko siya pipiliting maniwala sa sinasabi ko.

"Pinapamigay mo na ba ako Lewis? Huwag mo naman akong tanungin ng ganyan oh. Nasasaktan ako. Oo, naiisip ko ang nangyayari sa hinaharap pero kahit kailan hindi naging option sa akin ang iwanan ka. Hinding hindi mangyayari iyon Lewis kahit saan pa tayo abutin."

Lumagaslas ang mga luhang hindi ko na napigilan pa. Bakit ganito? Lagi kaming umiiyak. Minsan lang kami sumaya. Bakit parang pinagkakaitan kami ng kaligayahan sa relasyon naming dalawa.

"Hindi naman kita pinapamigay. Gusto ko nga akin ka lang eh. Pero napaka selfish ko pakinggan hindi ba? Paano kung akin nga tapos iiwan din naman kita at mamamatay—"

"Stop it Lewis!"

"Sorry." Bahagya niya akong inalo. Inilapit niya ang sarili niya sa akin at kinulong niya ako sa mga yakap niya. Hindi ko napigilang humagulgol.

"Hush... sorry Winzea, lagi nalang kitang pinapaiyak. Sorry." Ramdam ko sa mga tinig niya ang pagsisisi.

Agad niya akong hinila at akmang napahiga kaming dalawa sa kama niya. Nakaunan ako sa kanyang balikat.

"Sige ganito na lang, walang iwanan ha Winzea. Pangako."

"I hate promises."

"Oo nga pala, how about. Let's make a pledge. I will assure you, kahit anong mangyari, I will stay by your side."

---

Days passed, nasanay na din ako sa sitwasyon namin ni Lewis. I keep on studying hard at ganoon din siya, with work pa nga kaya siguro doble ang stress niya.

Lagi namang naka-monitor ang sitwasyon niya. Weekly kung tingnan siya ng kanyang doctor and he's doing well basta't huwag lamang gagawa ng mga bagay na bawal sa kanya at huwag dapat kumain ng nga fatty foods.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now