Chapter 45

103 5 0
                                    


Song above:
Close To You by Sam Milby

Winzea

"Congratulations HRM IV Block A!" Sabi ni Cleen sabay taas namin ng glass na may laman na wine.

"Malapit na malapit na!"

"Grad waiting is real!"

Masayang masaya kami ngayon dahil sa wakas ay stress free na. Matapos ang aming final defense, isang buwan kaming nagrevise at nakapag pa-hard bound na. Masyado atang maagap ang celebration namin. Na-excite kasi kami dahil tuloy tuloy na.

"Swimming tayo!" Suggestion ni Ethan.

"Tangi, uso ang aksidente sa mga graduating!" Nagtawanan kaming magkakaklase sa sinabi ni Steeve.

"Wala naman masama kung susunod tayo sa pamahiin. After graduation na lang tayo mag celebrate!"

"Game!"

Naging close na talaga kaming magkakaklase. Kung dati kasing 30 kami sa room nung second year, ngayong ga-graduate na kami ay 19 nalang.

"Magpapakain ba ang Cum laude?" Tanong ng isa kong kaklase.

Nabaling tuloy ang paningin namin kay Cleen na napakalawak ng ngiti.

"No problem!" Aniya.

Dahil doon ay nagkantyawan ang mga kaklase namin. "Yown!!"

"Buti pa mag jowa, ga-graduate with flying colors!" Sabi ni Ethan

"Wooooow." Napagtanto kasi namin na next year ay ga-graduate naman si Hope. Kung tuloy tuloy ang matataas niyang grades ay summa cum laude siya.

"Ang sarap sigurong maging summa!" Sabi ng pinaka matanda kong kaklase.

"Summa ka naman ah, summa-sampong taon na HAHAHA." Nagtawanan kami sa sinabi ng pangalawa naming ate.

"Ikaw naman magna." Sabi ng pinakang kuya namin pabalik sa kanya.

"Magna-nine years!" Nagtawanan kaming lahat sa mga biruan. Grabe mamimiss kong mag aral.

"Winzea, anong balak mo pag graduate natin?" Sabi ni Cleen matapos niyang maupo sa tabi ko.

"Mag aapply ako siguro bilang staff sa hotel sa cruise ship." Sabi ko at napa-wow naman siya kaya agad kong hinampas ang kanyang braso.

"Balak mo talagang mag gala no?" Aniya kaya naman napangiti ako.

"Kala ko naman tuwang tuwa ka sa akin, ikaw nga eh. Andami mong imbitasyon kung saan saan. Tiyak na mahihirapan kang mamili kung saan ka mag ta-trabaho." Sabi ko. Nakakamangha naman kasi talaga dahil madaming kumpanya ang nag aagawan sa kanya.

"Nakapag desisyon na ako. Sa kumpanya na ako nila Lewis." Aniya sabay taas baba ng kilay niya.

"Ayaw mo abroad?"

"May kumpanya din sila sa ibang bansa. Alam ni Lewis ang kaya kong gawin kaya sabi niya ay ilalagay niya ako bilang head chef sa hotel nila."

"Ay wow." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Teka, ayaw mong doon na lang din sa kumpanya nila Lewis?" Nagtataka niyang tanong.

"Tapos ano? Magkasama na naman tayo? Sawa na ako sa mukha mo." Sabi ko kaya naman natawa siya habang nakahawak sa dibdib niya.

"Aray." Aniya kaya nagtawanan kami.

"Ayaw kong dumipende kay Lewis Cleen, gusto ko muna mapatunayan sa sarili ko independent ako. Siguro pag tagal tagal na. Pag kasal na kami tsaka na lang ako mag ta-trabaho sa kanila."

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now