Chapter 32

104 6 0
                                    

Cleen

"I'll be right there." Sabi ko sa pinsan ko at pagkatapos ay ibinaba ko na ang phone ko.

Napatingin ako sa regalo na ibinigay ni Winzea sa akin, binuksan ko ito at nakita ko ang isang portrait sketch naming dalawa. "Thank you lang? Wala talagang I love you?" Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Nagmaneho na ako pabalik sa amin.
Nang makabalik na ako ay nadatnan ko naman silang nagpaparty. Binati agad nila ako nang makita nila.

"Oh? Nasan na yung girlfriend mo?" Tanong ng pinsan kong si Nate.

"Wala no! Prank lang namin yun!" Ani Hope habang lumalapit sa amin.
Mukhang inililigtas niya ako sa kahihiyan.

"Prank? Pero hinalikan mo? Hahaha wow." Ani Nate.

"Matagal na niya akong binusted. Gusto ko lang ng souvenir HAHAHA." Pagkasabi ko noon ay nakipag apir si Nate sa akin.

"Ayos din!" Aniya.

Nagtungo ako sa table nila Railyn at inilapag ko ang isang glass ng wine.
"Rai, have some." Nang tanggapin niya iyon ay naupo ako sa tabi niya.

Medyo nakakabingi ang lakas ng tunog. Kung kanina kasi na solemn lang ang tunog nung umalis kami ni Winzea, ngayon ay napalitan ng mga pang party.

"Salamat nga pala sa tulong niyo. Sabi sa inyo hindi mag wowork eh." Pagkasabi ko noon ay nilagok ko ang alak na nasa baso ko.

"Atleast you tried. I'm proud of you kahit papaano. Kasi matapang ka Cleen." Ani Railyn.

Wala naman kasi talaga ang lahat sa plano ko na ganoon ang gagawin ko. Nung maghiwalay kami sa school noong isang araw ay plano ko lamang mag celebrate ng birthday ko. Pero heto ang mga kaibigan ko na nangungulit. Sabi nila mas magiging masaya ang 19th birthday ko kung memorable.

Sila Steeve at Ethan ang nag set-up ng lugar. Si Hope ang sa invites, yung mga close na pinsan ko lang pero hindi nakadating ang iba. Wala din ang mommy at daddy dahil nasa mission. At si Rai ang nagasikaso kay Winzea.

Nang okay na ang lahat ng set up, buo na ang isip ko at handa na akong gawin ang bagay na ayon sa plano, isang hindi inaasahan na pangyayari ang nangyari kahapon...

May kumakatok sa pintuan? Bukas pa naman ang celebration ko bakit may bisita na agad ako?

Nang buksan ko ang pintuan ay tumambad sa akin ang mukha ni Lewis na nakangiti. Agad niya akong sinapak.

"Happy birthday bro!" Langya.

Ginantihan ko naman siya at sinapak ko rin siya sa mukha.
"Thanks bro!" Sabi ko.

Pinatuloy ko siya sa loob at nag kwentuhan kami na parang walang nagbago sa pagkakaibigan namin.

"Tagal ko nang nakauwi, hindi mo manlang ako naisip bisitahin?" Sumbat niya.

"Bakit? Preso ka ba? Gagu." Ganto talaga kaming dalawa mag usap pag kami lang. Pag may ibang tao ay syempre mas desente.

Humalakhak kami ng tawanan nang mapagkwentuhan namin ang mga ginagawa namin nung elementary.

Ngunit naging seryoso ang usapan namin nang magbalik ang kwentuhan namin sa kasalukuyan.

"Kamusta si Winzea? Sana naaalagaan mo siyang mabuti." Aniya.

Napatigil ako sa paghigop ko sa baso ng tsaa na hawak ko.
"Gago. Bakit ba iniwan mo siya?" Diretso kong tanong.

Sa pag kakaibigan kasi namin ni Lewis ay wala kaming pakialam at suportado lang namin ang ginagawa ng isa't isa. Minsan umaalis siya ng bansa na hindi ko alam. Ganun din naman ako, pero kahit anong mangyari ay ang samahan lamang namin ang hindi nagbabago.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now