Chapter 43

80 4 0
                                    

Theme above: Only Love by Trademark.

You can listen to the song while reading this chap sweetiee.

Winzea

Daling araw na at hindi parin ako makatulog. Paulit ulit nanumbalik sa isip ko ang sinabi ni Cleen sa akin.

Narealize ko na hindi ko malalaman lahat ng kasagutan sa isip ko kung mag mumukmok lamang ako.

Siguro kanina ay sobrang nabigla lamang ako dahil inisip ko na hindi naman talaga si Winzea ang minahal ni Lewis kundi si Cleia. Nag overthink ako, ako ang gumawa ng ikakasakit ng sarili kong damdamin.

Napaka babaw ng dahilan para magalit ako kay Lewis ng ganoon na lamang. Narealize ko na, siguro ay hindi parin siya tumitigil sa paghahanap sa akin.

Dali dali kong binuksan ang cellphone ko at nagsidatingan ang mga message doon.

Labis akong nag alala nang mabuklat ko ang isang mensahe mula kay Lewis

From: Flashy💕

Where are you? I'm so worried shine. Please let me explain. I will wait for you. Nandito ako sa tapat ng bahay mo.

Dali dali kong tinanggal ang kumot na nakapulupot sa katawan ko at inayos ang sarili ko. Be matured Winzea, grow up. Yan ang paulit ulit kong binubulong sa sarili ko. I admit that I'm weak at controlling my emotions. Kaya tuwing nag aaway kami ni Lewis ay laging ako ang nagsisimula. I don't know. I've never been in a relationship before dahil sobrang strict ni mama at papa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako sanay sa kung ano ang dapat kong gawin.

Wala naman akong dalang gamit kundi ang bag ko lamang. Napasulyap ako sa wristwatch ko at malapit na palang mag alas dos.

Bumaba ako sa hotel room at pumara ng cab para ihatid ako sa bahay. Ngunit hindi pa man nakakalayo ang sinasakyan ko ay bumuhos na ang malakas na ulan. Hindi ko mapigilang isipin kung nasaan na kaya si Lewis. Nag aalala ako dahil nung huling naulanan siya ay sobrang kaba ang inabot ko. Parang naguilty tuloy ako ngayon na umalis ako kanina at pinagtaguan ko siya. Sana naman ay hindi siya napagod kakahanap sa akin.

Nang matanaw ko na malapit na ako sa bahay ay pumara na ako at nagbayad. Inilabas ko ang payong sa bag ko at bumaba na ako sa cab. Naglakad ako at unti unti kong natanaw ang pigura ng isang lalaki na nakatayo sa tapat ng gate namin.

Dali dali akong lumapit ay pinayungan ko siya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hampasin siya sa braso.

"Sira ka ba! Umuulan, tapos nagpaulan ka pa? Paano pag nagkasakit ka?" Para akong nagger sa mga oras na ito. Pero nagulat na lamang ako nang hindi sumagot si Lewis. Bagkus ay bigla na lamang niya akong niyakap at binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Nabitawan ko ang hawak kong payong at ngayon ay pareho na kaming basang basa sa ulan. Tila ang pagbagsak lamang ng mga patak ng ulan ang nararandaman kong dumadampi sa balat ko, hindi ako nilalamig dahil napakainit ng kanyang mga yakap.

"Sorry Shine, hindi ko sinabi sa iyo agad. Natakot ako na mangyayari ang ganito. Napaka duwag ko." Naramdaman ko ang pagsisisi sa boses niyang tila nabasag.

Dahil doon ay niyakap ko siya pabalik.
"Sorry Lewis, sorry kung nag over react ako." Hindi ko na din mapigilan tumulo ang luha ko. Mabuti na lamang at umuulan kaya hindi ito makikita ni Lewis.

"Natakot ako, na baka hindi naman pala ako yung minahal mo nung una pa lamang." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ramdam ko na nag aalala siya gamit ang mga titig niya.

"I'm sorry if I let you feel that way. I'm so scared that I might lose you, hindi ko naisip ang mararamdaman mo, panay sarili ko lang ang naisip ko."

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon