Chapter 20

128 8 0
                                    

Cleen

"Good morning Cleen!" Bati ni Winzea, alam kong may magandang nangyari kahapon kaya nginitian ko nalang siya. Nandito kami ngayon sa classroom.

"Aba blooming ka ngayon at nagbalik ka na ata sa actual self mo? Hindi ka na tulala sa kawalan, may maganda bang nangyari kahapon?" Sagot ko sa kanya. Ang totoo ay nakita ko din sila ni Lewis kaya may ideya ako kung bakit ganun ang awra niya.

Namula naman ang tenga ni Winzea at nakita ko na nagblush siya.
"Ah ano... Ano kasi, si Lewis..."

"Okay na kayo ni Lewis no, mabuti yang nakikita kitang masaya kaysa nakabusangot ka." Ang totoo, ayaw ko na magkasama kami pero si Lewis ang pinag uusapan namin. Lalo lang nasasaktan ang damdamin ko.

"Liligawan niya ako ulit Cleen." Nahihiya niyang sabi ni Winzea.

"Ah ganoon ba, nangako sa akin si Lewis na hinding hindi ka niya babalikan mula nung may nangyaring masama sa iyo. Mukhang ganoon siguro pag pag ibig na ang pinag uusapan. Minsan nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo. Tulad niya, naibaba niya ang pride niya para sa iyo."

At tulad ko, kaya kong magparaya para sumaya kayo. Kasi kung sasabihin ko pa ang nararamdaman ko ay maaaring gumulo.

Dumating na ang prof, at nagsimula na ang aming klase.

Nakita ko naman na tinititigan ni Winzea si Hope, na aktibo sa klase. Wala naman si Lewis, pag absent ito ay alam na ng prof na nasa business ito.

"Pst. Bakit kaya absent si Lewis" tamad na tanong ni Winzea. Pabulong lamang dahil nagkaklase.

"Ah hindi niya ba sinabi sa iyo?" Akala ko naman ay lahat ng tungkol sa pagkatao niya ay nasabi na niya kay Winzea. Bakit naman pinapahirapan niya pa sa pag iisip si Winzea?

"Hindi eh wala siyang text o kung ano, bakit sinabi niya ba sayo?" Aniya.

"Ah hindi. Wala naman." Pagtanggi ko.

Lumipas pa ang mga oras, nasa kitchen na kami ng school. Nakita ko naman na nag improve na si Winzea sa pagluluto. Natuwa naman ako.

Nung uwian na ay ihahatid ko na si Winzea sa kanila. Ngunit bago pa man siya makasakay ay may pumaradang isang itim na SUV na Mercedez-Benz sa harapan namin. Dahil doon ay isinara ko na ang pinto sa passenger seat ng sasakyan ko.

Bumaba ang isang lalaki mula doon at si Lewis nga iyon.

"Lewis!" Kita kong excited si Winzea na makita siya.

"Namiss mo ba ako?" Tanong naman nung isa

"Ang yabang mo talaga!" Sagot naman ni Winzea pero nakangisi siya ngayon, hindi siya mukhang naiinis kahit tila arogante si Lewis.

"Bakit pawisan ka Lewis? Anong ginagawa mo?" Tanong muli ni Winzea.

"Nagmamadali kasi ako para mapuntahan ka, sa hagdanan ako dumaan, sira ang elevator, na lowbat din ang phone ko kaya hindi kita naitext." Aniya.

Malamang sa building nila yung tinutukoy niya. Pero bakit minamalas ata siya ngayong araw? Parang may mali.

"Tara na Winzea, una na kami Cleen!" Sambit ni Lewis, agad naman na sumakay si Winzea sa katabi ni Lewis kumaway din ako at nagpaalam.

"Bata pa kayo!" Biro ko at natawa naman sila.

Tinanaw ko na unti unting umalis ang sasakyang lulan nila.

---

Lewis

"Saan tayo pupunta?" Excited na tanong niya.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now