Chapter 23

117 7 0
                                    

Winzea

Maaga akong nagising para ipaghanda si Cleen ng umagahan. Nagtoast lang ako ng tinapay at nagluto ng scrambled eggs, pancakes at kape.

Nakita ko naman na bumangon siya sa sofa habang hawak hawak ang ulo niya. Malamang may hangover.

"Good morning Cleen!" Bati ko. Agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti, lumapit siya sa akin at umupo sa dining table.

"Good morning Winzea." Aniya sa malambing na boses.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan!" Pang iinis ko sa kanya.

Kung iisipin ay awkward dapat kami ngayon dahil sa nangyari kagabi. Pero dahil nanumbalik na siya sa dati niyang sarili ay kumportable na ako ulit. Kaswal lang kaming nag uusap.

"Wala lang, natutuwa lang ako kasi ang cute mo sa suot mong pink na apron. Sana ganito nalang lagi sa umaga, makikita ko lagi mukha mo pag gising ko palang."

Pagkasabi niya nung mga salitang iyon ay tila kumabog ng husto ang puso ko. Hindi dahil mula iyon sa labi niya. Kundi dahil, sinabi na ni Lewis iyon sa akin. Yung mga ganong kataga. Pakiramdam ko ay tila kinurot ang puso ko.

"Winzea? May mali ba akong nasabi?" Nagbalik ako sa sarili ko nung marinig ko ang boses niya.

"Wa-wala. Kain na." Naupo naman ako sa tapat niya.

"Ikaw ba nagluto nito? Nag improve ka na talaga! Sabi naman sa iyo lahat ng bagay ay natututuhan diba?"

Sana ang pag-ibig din ay kaya kong pag-aralan. Naalala ko nung mga panahong lagi niyang pinapalakas ang loob ko. Lagi niyang sinasabi na kaya ko, lagi niyang sinasabi na magtiwala ako sa sarili ko. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

"Dahil sa pagpapalakas no sa loob ko Cleen kaya ko nakaya. Wala naman akong tiwala lagi sa sarili ko." Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya.

"May gagawin ka ba this sembreak Winzea?" Tanong niya.

"Pinag isipan ko ng mabuti kung lilipat na ba ako ng school. Naisip ko na huwag nalang. Tatapusin ko nalang ang kurso ko dito." Pagkasabi ko nun ay nag angat ang tingin ko kay Cleen at nakita ko siyang nakangiti.

"Sabay tayong ga-graduate?" Tila natutuwa niyang sabi. Muli, naalala ko na naman si Lewis. Isa yun sa mga iniisip niyang mangyari SANA. Ang sabay kaming grumaduate.

Tumango ako at ngumiti lalo ng malawak si Cleen.
"So, wala kang balak this sembreak? Sama ka na lang sa akin. May beach trip kami ng mga pinsan ko, pupunta kami sa lola namin. Sa Isla Soledad." Aniya.

"Ano ka ba! Family bonding niyo iyon tapos isasama mo ako? Ma-OOP lang ako doon." Reklamo ko naman.

"May kasama din silang iba. Kailangan kasi namin mag sama ng isang hindi kamag anak. Dare namin yun. Sige na naman oh Winzea." Nagpout siya kaya natawa ako.

"Oo na nga kuya!" Pagkasabi ko non ay ngumiti siya.

"Winzea, wag mo na akong tawaging kuya please? Hindi ba nasabi ko na yun sa iyo kagabi?" Aniya.

Bigla namang kumalabog ang puso ko. Aware siya nung sinabi niya yun? Naaalala niya lahat ng sinabi niya kagabi? Pakuwari ko ay nag init ang pisngi ko. Pero bakit ako mahihiya? Bakit ako natatakot? Hindi naman ako ang nagsabi ng mga ganoong bagay!

Tumingin ako sa kanya at nakangiti parin siya. Siya parin yung Cleen na kilala ko. Palangiti.
"Cleen, alam mo kasi-"

"Kung anuman ang sinabi ko sa iyo kagabi ay totoo, seryoso ako doon Winzea. Sorry ha. Pero hindi kita tinatanong kung papayag ka o hindi. Basta gagawin ko parin iyon." Pakuwari ko ay tuluyan na ngang tumigil ang puso ko nung sinabi niya iyon.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now