Chapter 38

95 5 0
                                    

Winzea

"Good morning!" Bati sa akin ni Lewis pagkababa ko ng hagdanan. Nagluluto siya sa may kusina na tanaw mula dito. Agad naman akong napatakbo papuntang CR upang tingnan ang itsura ko sa salamin.

Naghilamos ako ng mukha ko at nagsuklay ng aking buhok, mukha na kasi akong bruha. Nag mumog ako ng mouthwash at lumabas na.

Nakita ko naman na na nakangiti parin si Lewis na abot tenga.
Nakaupo naman si mama at papa doon sa harap ng dining table. Si mama ay nag fa-facebook ata at si papa naman ay nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.

"Oh Winwin, naunahan ka ni Lewis magluto." Sabi ni mama.

"Agap niyo po masyado ah. Sila tita po?" Tanong ko.

"Ah umuwi na sila, kaninang daling araw. Oo nga pala, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo Lewis?" Ani mama.

"Wala po ang parents ko, nasa abroad po sila." Nakangiting tugon ni Lewis.

"Oh, paano ka pala sa pasko? Ilang araw na lang ah. Wala kang kasama? Kung gusto mo dumito ka na lamang muna magpasko. " Muling tugon ni mama. Nahihiya naman ako. Syempre nakakapanibago parin, ilang buwan din kasi ang lumipas nung huling pakikipag usap ni Lewis sa kanila.

"Ah, hindi po tita. May flight po ako bukas, doon po ako magpapasko sa States." Nalungkot naman ako sa sagot ni Lewis, pero konti lang. Masaya ako dahil magkakasama sila sa pasko.

Tumango tango lamang si mama, inilapag naman ni Lewis ang bacon, itlog at pancakes. Umupo siya sa tabi ko at pinaglagay ako sa pinggan.

"Huwag kang malulungkot, babalik din ako." Pang aasar na sabi ni Lewis kaya naman siniko ko siya. Buti di narinig nila mama dahil busy sa ginagawa nila. Kumain na kami ng umagahan pagkatapos.

---

"Tito, pwede ko po bang hiramin muna si Winzea, papasyal lang po kami dito sa Ricafort. Huwag kayong mag alala, isasauli ko po siya ng maayos." Ani Lewis

"Sige, huwag kayong aabutin ng alas siete." Para naman akong bata neto, may curfew.

"Opo, uuwi na din po kasi ako sa Townsquare pagkatapos." Ani Lewis.
Parang bahagya akong nalungkot. Pwede bang huwag na lang siyang umalis?

Naligo na ako, nagbihis at nag ayos para sa saglitang pasyal namin.
Ganun din naman ang ginawa ni Lewis, mabuti at pinamili pa siya ng mama ng masusuot niya.

"Alis na po kami!" Paalam ni Lewis sa mga magulang ko.

Agad na pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan niya, pumasok naman ako doon. Umikot naman siya at pumasok sa kabila.

"Saan tayo?" Tanong ko, hindi pa kasi ako pamilyar sa Ricafort.

"Basta." Aniya, tulad dati palagi paring ganoon ang sagot niya.

Nagmaneho na siya, di ko parin mapigilang tumingin sa kanya at sa mahahaba niyang pilikmata.

"Flash..." tawag ko sa kanya, nakita ko naman na bahagya siyang ngumiti sa akin.

"Bakit Shine?" Tugon niya.

"Wala lang, tawag lang." Natawa naman siya. Di ko alam, hindi ko kasi maituloy ang sasabihin ko.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya napatingin ako doon. Nag chat pala si Cleen. Isinend niya ang pictures nila nung christmas party. Nang inggit pa.

Habang nag iiswipe ako ng mga pictures ay natawa ako sa huling sinend niya.

Nag christmas party pala sila sa isang events hall na private. Hula ko sinagot na naman ni Hope ang babayaran. Nag games pala sila, siguro Maria went to town yung nilaro nila. Nakasuot si Cleen ng disenteng damit pero napatungan ng bra, panty at malaking beach hat. Nakaheels pa! Tawang tawa ako.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now