Chapter 21

123 7 0
                                    

Winzea

Kumapit ka kaya, sa akin nang ikaw ay maitangay sa kalayaan ng ligaya~
Tayo na, tayo na~

Nakabukas ang stereo habang nag dadrive si Lewis. Hindi ko alam kung saan na kami pupunta. Sabi niya ay 3 days kaming mawawala.

Napatingin ako sa kanya, sa buong pagkakataon na kasama ko siya ay ngayon ko lang nakita na ganito siya kasaya.

Hawak niya ang steering wheel sa isa niyang kamay at ang isa naman ay pinagsalukop niya sa isa ko ring kamay.

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa na sagutin siya agad. Di ko maintindihan ang kakaibang takot nararamdaman ko na baka mawala siya kung palalagpasin ko pa ang pagkakataon.

"Winzea." Bigla niyang tinawag ang pangalan ko habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Hmm?" Tanong ko sa kanya.

"Gutom ka na ba? Drive thru tayo." Aniya kaya dumaan kami sa isang fastfood at nag drive thru.

"Uhmm, ano gutom na ako Winzea." Aniya kaya inabot ko sa kanya yung isang lalagyan ng fries pero hindi niya kinukuha.

"Uhmm ano kasi eh alam mo na, nag dadrive ako Winzea, baka pwedeng ano.." Aniya, namumula siya ang cute ng reaksyon niya.

Kumuha ako ng fries at ako na mismo ang nagsubo sa kanya noon habang nagdadrive siya.

"Winzea, what shall be our endearment?" Aniya. Hmmm kanina tinawag niya akong 'baby' pero hindi ko sure kung gusto ko din na yun ang itatawag ko sa kanya.

"Let's think something unique." Yun ang sagot ko at nakita ko naman na ngumiti siya.

"Hmmm. Okay, i'll call you shine." Aniya kaya nagtaka naman ako.

"Shine? Bakit shine?" Unique nga pero di ko talaga gets.

"Because you're my sunshine and you make me happy. Aside from that, a star always shines. I know you will shine too and will reach your dreams." Aniya, sobrang cheesy naman nung naisip niyang sabihin.

Pumayag na lang ako. Ayoko nung masyadong sweet pakinggan in public na tawagan kaya tatawagin ko din siya sa paraang gusto ko.

"Then i'll call you flash." Sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Flush? Sa inidoro?" Aniya kaya natawa ako.

"No! Flash! As in flashing lights! It shines too. Flashes always shines. It means i'll always be with you because i'm shine." Yun na lamang ang nasabi ko. Nakita ko naman na ngumiti si Lewis.

Mahaba haba pa ang pagdrive na ginawa niya. Paminsan ay nakakaidlip ako at nagigising. Ilang sandali pa ay tumigil kami sa tila mataas na lugar, malamig dito at maraming puno. Parang walang ka bahay bahay. Pero napaka payapa ng lugar.

"Nasaan tayo Lewis?"

"Jovial Zone, private property ako dito." Aniya at ngumiti sa akin.
"May resthouse ako dito pero simple lang." Dugtong niya.

Malamig dito, siguro ay dahil medyo mataas na lugar ito, habang naglalakad kami ay natanaw ko ang isang bahay. Hindi ito kasing laki ng sa mansion nila, at gawa lamang ito sa kahoy. Pero masasabi mo parin na maganda ang architectural design nito.

"Welcome to my sanctuary shine, this is my refuge." Aniya.

"Is this your hideout?" Natatawa ko naman na tanong.

"Oo, pasok ka." Pumasok na kami binitbit niya ang mga gamit ko.
"Ikaw pa lamang ang una kong dinala dito. Maliit lang ito dahil dati ay plano ko lamang na mabuhay ng mag isa sa isang tahimik na lugar. Pero ngayon gusto ko kasama na kita." Aniya

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now