Chapter 15

144 6 0
                                    

Winzea

"Winzea dalian mo nandito ang kaibigan mo!" Naririnig ko ang sigaw ni papa.

"Opo wait lang" sigaw ko. Nandito ako sa CR ng kwarto ko at naliligo, mukhang napaaga ata ang dating ni Rai ngayon ah. Alas tres na ng hapon at magsisimula ang acquaintance night by 5pm.

Dali dali kong pinulupot ang twalya sa katawan ko at pupuntahan ko si Rai sa salas. Magpapatulong ako sa kanya mamili ng gown na susuotin ko, may tatlong gown kasi akong pinagpipilian.

"Rai... ahhh!!" Sigaw ko dali dali akong pumasok sa kwarto ko at pinalitan ng bathrobe ang twalya na suot ko tyaka ako muling lumabas

"Hoy anong ginagawa mo dito! T-tsaka paano mo nalaman ang bahay ko?" Nagtataka kong tanong.

Ngumiti lang siya at inabot ang boquet ng mga pulang rosas. Weird.

"Because i'm gonna be your partner tonight"

Aalma pa sana ako kaso biglang lumabas si mama mula sa kusina

"Aba anak eh pagkagwapo nitong si Lewis at napakabait pa!" Ani mama, huh kung alam niyo lang!

"Nililigawan mo ba si Winzea?"

"Ma!!--" maktol ko. Hay nako kahit kailan talaga.

Eto namang si Lewis ay patawa tawa lang, nawawala ang mata.
Kung titingnan ay napaka neat ni Lewis ngayon, hindi messy ang buhok niya ngayon mukhang naka fix ito, neatly brushed. Nakasuot siya ng itim na suit na tinernohan ng blue na necktie, bagay na bagay sa kanyang appearance matangos na ilong at mapupungay na mga mata.

Nagtungo na ako sa kwarto ko, nag make up ako ng light lang. At inalalayan ako ni mama na isuot ang gown. Isa itong tube type trumpet gown na cerulean ang kulay. Cute ang gown na ito dahil may lace sa body at maganda ang flowers na nakaburda at ang beadwork.

Inayos ni mama ang mahaba kong buhok at naka braid na ito pataas, nilagyan ako ng kumikinang na head accessory.

"Wow ang ganda mo anak!" Palakpak ni mama nung tapos na akong ayusan. Nakangiti din sa gilid si papa. Nagpicture kaming tatlo at pinicturan din nila kami ni Lewis na magkasama pagkatapos ay nagpaalam na kami dahil aattend na kami sa party.

"You look gorgeous"

"Thanks"

"Nagmukha kang tao"
Agad na nawala ang ngiti ko at pinaghahampas siya sa braso habang nag dridrive. Tatawa tawa naman siya sa ginawa ko.

"Bakit ikaw? Bakit hindi si Rai ang sumundo sa akin?" Tanong ko

"Humingi ako nang pabor na ako na ang susundo sayo, pangit naman kung hindi tayo sabay na makakarating dito." Aniya.

Nagpark na siya sa at bumaba na ako, agad naman akong sinlubong ni Hope. Pakuwari ko'y kumikinang siya sa kagandahan niya.

"Hello Winzea" bati niya.

"Oh hi Hope!" Bati ko pabalik.

Bumabagay sa kanya ang light green niyang fitted gown na may mga silver na sequins, effortless ang buhok niya dahil nakalugay lang ito at nakababa din ang full bangs niya. May suot lang siyang magarbong kumikinang na hair clip ngunit kahit ganoon ay nagnining parin siya. Tumangkad siya dahil sa heels pero mas tumangkad din ako dahil naka-heels din ako.

Kung titingnan naman ang paligid aakalain mo itong nagbalik kami sa highschool at may JS prom night. Magagarbo ang gown ng mga babae, formal na formal naman ang mga lalaki. May mga magaganda at kumikinang na chandelier na nakasabit dito sa function hall, maliwanag ang paligid. May mga pagkain, buffet style.

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon