Chapter 33

105 5 0
                                    

Winzea

"Okay ka lang ba?" Ani Lewis. Nakasakay kami ngayon sa taxi, hawak niya ang mga kamay ko at ang jacket na suot niya kanina ay nakapatong na sa magkabilang balikat ko.

"Yup. Madami kang utang sa akin. Kailangan mong ikwento lahat." Mataray kong sabi kaya natawa naman siya.

"Ma'am,  sir, saan po tayo?" Tanong nung taxi driver.

"Jovial Zone po." Sagot ni Lewis na ikinagulat ko.

"Huy, paano tayo makakauwi?" Tanong ko.

"Papasundo nalang sa pinakamalapit na train station." Aniya.

"Medyo malayo po yung lugar na iyon sir ah?" Baling naman ng taxi driver.

"Don't worry kuya. Name your price, babayaran ko." Ani Lewis kaya natahimik ang driver at hindi na nagreklamo pa.

Habang tinatahak namin ang daan patungo doon ay hindi ko mapigilang mapatanong.

"Paano ka ngayon? Nag aaral ka pa ba?" Pakuwari ko ay madaming panahon namin ang nasayang at dapat makapag catch-up kami.

"Tumigil ako Winzea. Tinuloy ko yung business course kahit labag sa loob ko. Wala kasing mag mamanage ng negosyo ni dad kundi ako lang." Sagot niya.

"Paano ka nag aaral?"

"Home study. Pero magaling at top notcher na prof ang kinuha ng dad ko para sa akin." Aniya

"So hindi na pala tayo sabay ga-graduate?" Naninigurado lang ako, isa kasi iyon sa pangarap niya diba.

"Sabay parin. Nga lang, magkaiba tayo ng kurso. Pero ang mahalaga ay sabay parin." Aniya.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Naiimagine ko kasi na mangyayari nga iyon.

Nakatulog ako nang kumportable sa balikat ni Lewis. Nagising na lamang ako nang bahagya niyang tapikin ang pisngi ko.

"Baby, dito na tayo." Aniya. Agad naman akong napaupo para ayusin ang sarili ko. Nagbayad na siya sa taxi driver at pagkatapos ay naglakad kami papasok sa kakahuyan.

"Di ka ba nilalamig?" Tanong ko sa kanya. Nasa akin kasi nakapatong ang jacket niya.

"Hindi. Kasi ang hot mo." Aniya. Namula naman ako. Di ako sanay sa mga ganoong banat niya.

"Don't get me wrong ha? Hot ka kasi, you're such a little devil! HAHA." Pagkasabi niya noon ay agad ko siyang pinaghahampas sa braso.

"Jerk!"

"Aray aray!  Nilalamig ako syempre hindi naman ako manhid. Dapat niyayakap mo ko diba?" Aniya at kinindatan pa ako ng loko.

"Wow!" Namangha ako nang bumugad sa akin ang tila ibat ibang kulay ng led lights na nakasabit sa mga puno. Nagpapatay-sindi ito. Dama na ang pasko.

"Ahh iyan ba. Pinalagyan ko kasi ng mga ganyan para naman dama dito ang pasko. Iilan lang ang mamamayan sa lugar na ito at natuwa sila nang makita iyan, kahit paano nagkabuhay ang lugar." Aniya.

"Lewis!" May matandang babae na tumawag sa kanya. Mukhang sa medyo malayo pa ito galing, nakasuot ito ng jacket at balabal.

"Oh nanay Cora, kamusta po?" Ani Lewis.

"Eto mabuti naman, salamat sa regalo mo sa mga taga rito ha iho? Maligaya kami sa bawat regalo. Sana tanggapin mo din itong luto ko." Tila inabot ng matanda ang isang lalagyan kay Lewis.

"Salamat po, masaya po akong masaya kayo." Nakangiting bati naman ni Lewis.

"Asawa mo ba iyan iho, ang gaganda niyong bata. Tiyak na magkakaanak kayo ng magaganda at gwapo." Tila namula naman ako sa sinabi ng matanda. Parang nagkabuhol buhol ang bituka ko sa narinig ko.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now