Chapter 16

146 7 0
                                    

Winzea

Puyat. Eto lang naman ang pakiramdam ko ngayon, pagkatapos ng party di na ako mapakali, hindi rin ako nakakatulog ng maayos ng ilang gabi.

Ilang araw na ang lumipas at hindi ako kumportableng nakikita ang mukha ni Lewis sa school.

Nandito kami ngayon sa sa may gate ng Dawson University at alas singko palang ng umaga. Assembly palang at may isang bus sa harap namin. Dahil department namin ang nanalo sa exhibit, ngayon ang tinaguriang out of town camping bilang prize namin. Syempre ang swerte namin dahil ang iba may klase mamaya tapos kami pa-camping camping lang.

30 kaming lahat kaya panigurado magiging maluwag pa sa bus. Hindi pinagsabay sabay ng isang araw lang ang buong department. Kami ang una.

"Pang ilang hikab mo na yan ah"
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko naman si Cleen, as usual ngiting ngiti siya. May dala siyang camping bag at ang gwapo niya sa suot niyang casual na plain blue vneck shirt at maong pants.

"Ilang gabi na rin kasi akong di nakakatulog ng maayos eh. Teka ang agap mo ah" sabi ko sa kanya.

"Ah, dyan lang kasi ako sa dorm galing kaya maagap talaga ako. Ikaw maagap ka din" sabi niya pabalik

"Di nga kasi ako makatulog" sagot ko naman.

"Ah excited ka?" Hindi naman dahil doon pero pagod na akong mag explain kaya tumango nalang ako.

Pinapasok na kami sa bus at nauna ako, pumuwesto ako sa tabi ng bintana.

"Pwedeng tumabi?" Tanong ni Cleen. Ugh. Tinatanong pa ba yun?

"Oo naman KUYA." emphasized talaga yung word na kuya kaya tatawa tawa niyang inilagay ang bag niya sa compartment ng gamit sa bandang itaas. Ngunit bago pa man siya makaupo ay may umupo na doon. Agad na kumalabog ang puso ko, bumilis ito. Bakit nagiging abnormal yata ako?

"Hoy Lewis, nakita mong inaayos ko yung gamit ko hindi ba?" Ani Cleen

"Oo, nakikita ko" humalukipkip ito.

"Umalis ka naman diyan!" Ani Cleen, para silang bata

"Ayoko, dito ko gusto umupo eh" sambit ni Lewis.

"Oohhh. Okay! Winzea tara lipat tayo!" Ani Cleen at hinawakan ako sa pulsuhan para hilahin ngunit agad naman hinarang ni Lewis ang paa niya para di ako makadaan.

"Gusto ko siyang katabi" Ani Lewis

"Sige Winzea, ikaw nalang mamili sa amin kung sino ang gusto mong katabi" sambit ni Cleen, nakapout siya ngayon, si Lewis naman ay walang reaksyon.

Sino ba pipiliin ko? Mas safe kung si Cleen kasi hindi ako kakabahan. Feeling ko safe ako pag katabi ko siya, pero kung ganoon para ko namang iniiwasan si Lewis! Baka isipin niya na umiiwas ako gawa nung nangyari. Ang gulo ng isip ko, hindi ko na alam.

"Oh ano nangyayari dito?" Sambit naman ng kararating lang na si Hope, naka shorts lang siya at maroon na pullover.

"Oh ayan Lewis may partner ka na! Kayo nalang ni Hope ang magtabi, diba magka partner kayo sa exhibit? " Ani Cleen

"Kayo ang magkapartner sa party diba?!" Sambit naman ni Lewis kay Cleen

Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Hope at nagkatinginan kami, nakita niyang naguguluhan ako.

"Alam ko na kung sino ang tatabi kay Winzea!" Sambit ni Hope

"Sino?" Sabay na sabi ni Cleen at Lewis.

"Edi ako! Tumigil na kayo sa pag aagawan diyan para kayong mga bata. Lika na Winzea" hinigit naman ako ni Hope, wala nang nagawa yung dalawa nung naupo kami na magkatabi, ako parin sa bandang bintana.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now