Chapter 9

178 10 0
                                    

Winzea

Tulad ng inaasahan ko ngayong araw madaming mata ang nakatitig sa akin. Binigyan naman ako ni Lewis ng tips kagabi through text na laging ngumiti, wag daw akong maging conscious dahil pangit ang kuha ko sa picture.

"Winzea tara mamili tayo ng pang design natin sa exhibit."
Nakangiting bungad ni Cleen, hindi ata sumasakit ang muscles ng kanyang pisngi kakangiti.

"Tayo lang bibili?"

"Bibili lang, walang tayo"

"Nahawa ka na kay Lewis"

"You think so? Haha tara na nga"

Dahil japanese cuisines kami ay nagpunta kami sa isang japanese store na panay may '8' ang presyo.

Kumuha kami ng mga bento boxes, chopsticks at kung ano ano pa. Tapos ay nagbayad na at lumabas kami sa counter.

"Winzea maagap pa, do you mind if we take a stroll"

"Baka hanapin nila tayo?"

"Haha. Wag kang mag alala magdadahilan ako kay Hope na nahihirapan tayong maghanap. Tara na."

Nagcommute lang kami, buong byahe tahimik si Cleen na parang may iniisip. Tapos tumigil kami sa isang.. Let's say romantic na lugar? Err.

Bumaba kami sa tabing kalsada, hinigit niya ako para maglakad kami taliwas sa daanan ng sasakyan at napapad kami sa malapit sa dagat. Mapuputi ang buhangin na inaapakan namin. 

"Saan tayo?"

"Seriously Winzea? Sa lakeshore drive. Di mo alam to?"

"I mean anong ginagawa natin dito, alam ko ang lugar na ito pero di ako mahilig mamasyal mag isa."

"Gusto lang kitang kausapin, yung tayong dalawa lang, walang kahit na sinong kukuha ng picture o sasabat"

"Eh?"

"Winzea.."

Biglang humarap sa akin si Cleen. Ito na ata ang pinaka seryoso niyang mukha. Nasisinagan ng araw ang kanyang mukha kaya kitang kita ang brown niyang mga mata.

"Kayo ba talaga ni Lewis?"

Bakit di Lewis ang tanungin niya?

"Anong meaning mo doon?" Tanong kong pabalik.

"Seryoso ba yung relasyon niyo?" Mukhang malamig ang boses niya yung parang nagtatampo?

"Look Cleen, di ko alam kung dinala mo ako dito para lamang diyan" umiwas ako ng tingin

"Bakit di mo ako sagutin ng diretso Winzea" mahinahon niyang sabi

"Kasi parang pinagdududahan mo kami, o baka ako lang ang pinagdududahan mo?"

Natigil siya. Kaya nagpatuloy ako mag usap.

"Di ko alam kung anong iniisip mo sa akin, pero alam kong concern ka sa kaibigan mo. Nakapunta ako sa kanila kahapon, aaminin ko mayaman siya, pero hindi ko alam ang tungkol doon. Kung iniisip mong--"

"Di ko iniisip yang iniisip mo, di ako concerned kay Lewis dahil mas concerned ko sayo!"
Medyo napalakas yung sigaw niya. Seryoso? Bakit sa akin?

"Winzea, you're different than Lewis' exes. Nagtataka ako kasi hindi tulad mo ang ideal girl ni Lewis o yung mga naging girlfriend niya. Hindi ko minamaliit ang pagkatao mo, pero concerned ako sayo. Ayaw kong masaktan ka."

"Cleen, I know. Thanks for your concern. Let's head back."

"No. I see you as a vulnerable girl Winzea. Hindi ka katulad ng mga babaeng pinaglalaruan o niloloko lamang. Hindi ko din sinisiraan si Lewis pero..

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon