Chapter 30

93 6 0
                                    

Winzea

"Paano ba iyan. Sa sabado ha aasahan ko kayo. Lalo ka na Winzea." Ani Cleen habang nakangiting nagpapaalam sa amin ni Rai.

"Sure!" Sagot ko.

Mayroon kasi kaming three days break dahil sa College week. Dalawang araw lang kasi ang ang celebration, kaya the rest ay pahinga na.

Kumaway kami ni Rai habang naghihiwalay kami. Dahil may ilang araw pa ay nagpasya kami na umuwi muna dahil boring magbakasyon sa dorms. Kanila Rai muna ako makikituloy dahil ayaw ko din naman mag isa.

"Rai, anong ireregalo mo kay Cleen?" Tanong ko habang nagdadrive siya.

"Hmm. Siguro, wrist watch. O kaya branded shirt nalang. Basta kahit anong pwedeng magamit." Sagot niya

"Ahh ganun ba. Wala kasi akong maisip na iregalo sa kanya." Sabi ko. Hanggang ngayon kasi di ko parin maisip. Siguro nga tama yung sinasabi nila na pinakamahirap hanapan ng regalo ang mga lalaki.

"Hmm tingin ko Winz, maaappreciate niya kung gawang kamay mo ang regalo. Espesyal ka sa kanya eh hihi." Humagikhik siya ng tawa.

"Nakakairita yang tawa mo. Tyaka, paano ko naman siya reregaluhan ng gawang kamay eh kung cake yun o cookies tiyak na mas masarap parin yung gawa niya kaysa sa akin. I'll just feel embarrassed." Maktol ko kay Rai.

"Edi... "

"Ano?" Naeexcite kong tanong

"Bakit hindi mo nalang iregalo ang matamis mong oo? Hihihi." Aniya

"Ayan na naman yang tawa mo."

"Hindi, seryoso ako Winz no!" Aniya

"Diba nung una ayaw mo sa kanya? Na kay Lewis ang boto mo? Eh bakit ngayon pinagtutulakan mo ako sa kanya?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago sumagot.
"Nakikita ko kasi kung paano ka niya alagaan Winz. Mahal ka talaga niya at mahalaga ka. Di katulad ni Lewis na lagi ka nalang sinasaktan. Syempre no!  Bruha ka, nasasaktan din ako pag malungkot ka." Aniya. Hindi ko pa naikwento sa kanya na nagkita kami ni Lewis nung college week celebration.

"Pag iisipan ko pa Rai." Iyon nalang ang naisagot ko.

"Ang tagal mong mag isip sa kanya. Kay Lewis ang bilis." Banat niya kaya naman napatahimik nalang ako.

Nang makarating kami sa bahay ko ay nag empake ako ng ilang gamit at dumiretso na kami sa bahay niya.

Nagpaalam ako kay Rai na magpupunta ako sa mall mag isa, dahil kailangan ko bumili ng susuotin ko sa sabado at syempre hahanap na din ako ng pang regalo ko.

Sakto naman na nakakita ako ng tila artist na gumagawa ng portrait sketches. Inilabas ko mula sa wallet ko ang picture naming dalawa nung college week.

"Pwede pong ipa-sketch ito?" Tanong ko.

Pinasulat ko din ang 'Happy birthday! thank you for being there for me always.'

Napangiti ako nang makita kong maganda yung portrait.
Pinabalot ko sa gift wrapper ang nakaframe na portrait bago umalis at umuwi sa bahay nina Rai.

---

"Malayo pa ba Rai?" Tanong ko. Nang mapasulyap ako sa phone ko ay nakalagay ang date na December 8, at 6:00 pm na.

"Oo eh, medyo malayo pala yung bahay nila Cleen. Dapat inagapan natin. Tingnan mo nga sa GPS kung ilang minuto pa." Aniya habang nagmamaneho.

"Mga isang oras pa. Nako!" Aniya

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now