Chapter 17

143 7 0
                                    

Cleen

"Ang bigat bigat mo naman! Para kang baboy!" Reklamo ko kay Hope, ano pa nga bang magagawa ko hindi ba? Para kasing si Mike Enriquez ito eh. Hinding hindi ako tatantanan! Kaya ang ending, binuhat ko parin siya.

"FYI Cleen, mas kaunting tingnan ang isang kilong muscle kaysa sa isang kilong taba! I may look petite but i'm muscular, and I weigh more than how I look. I always go to the gym to do my daily rotine exerci—"

"Ang bigat mo na nga ang daldal mo pa! Wag ka na ngang maingay diyan baka ihulog kita."

"Wow the gentle Cleen, why so harsh on me?" Mali ata ang diskarte ko na hilahin si Hope, sana nagsolo flight nalang ako!

"Nandito na tayo!" Sambit ko

"Huh? Wala pa sila? Nauna tayo sa kanila?" Aniya

"Dito ka muna sa tent ha? Hahanapin ko lang sila" di ko na siya hinintay magsalita at dali dali ko siyang nilapag.

"Aray naman yung pwet ko! Pwede ba Cleen wag ka namang mag madali please?"

"Sorry! Balikan nalang kita! Gamutin mo muna sugat mo! " Dali dali akong takbo.

---

Winzea

Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. Ano to? nararamdaman ko na gumagalaw ako. Huh? Nag sleep walking ba ako?
Pag mulat ko ay namalayan ko nalang na pasan pasan ako ng isang lalaki. Hindi ako maaaring magkamali, ang suot niya at ang amo'y niyang mabango. Nakikila ko ito kahit nakapasan ako sa kanya!

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Pasaway na puso! Bakit ngayon pa? Baka maramdaman niya ang tibok ng puso ko!

Pakuwari ko ay mahuhulog ako kaya napakapit ako bigla sa damit niya kaya naagaw ang atensyon niya

"Winzea? Gising ka na ba?"

"O-oo." Tipid kong sagot

"Okay ka na ba?" Muling tanong niya

"Medyo nahihilo ako, teka nasaan tayo?" Tanong ko naman, parang di ko pa nakikita ang lugar na ito

"Ang totoo niyan.. Di ko alam, naliligaw na ata tayo"

"Ha?!" Napalakas ng boses ko, nakarinig naman kami ng kaluskos dahilan para mapatingin kami sa direksyon na iyon.

"Winzea, Luwi!" Tawag ni Cleen. Bahagya siyang tumigil, hinihingal siya malamang galing siya sa pagtakbo.

"Naliligaw kayo, papunta na yan sa kabilang bayan." Ani Cleen

"Saan ang daan?" Tanong ni Lewis

"Diretsyuhin mo lang yung pinangalingan ko tapos kanan diretsuhin mo ulit yun na yun, teka Luwi pwedeng ako nalang ang mag dala kay Winzea? May alam akong malapit na clinic sa bayan." Tanong ni Cleen, aangal pa sana si Lewis pero pinigilan ko siya.

"Lewis sasama na ako muna kay Cleen. Feeling ko kailangan ko ng check up." Bahagya niya akong ibinaba mula sa pagkakabuhat at dinapuan niya ako ng tingin na may pag aalala.

"Mag iingat kayo. Alam kong mas maingat ka kaysa sa akin Cleen kaya may tiwala ako sayo na samahan si Winzea" sambit ni Lewis at tumalikod na siya.

"Teka Luwi! Nasa tent nga pala si Hope nasugatan siya sa damuhan kanina kaya nandoon siya ngayon—"
Hindi pa man ntatapos ni Cleen ang sasabihin niya ngunit humarap bigla si Lewis.

"Damo? Nasugatan? Alam mo bang? Arghh! Bilisan niyo, pasanin mo na si Winzea, pupuntahan ko lang si Hope!" Nagmamadaling umalis si Lewis.

Ang pinagtataka ko ay bakit biglang nagbago ang ekspresyon niya? Sobrang nag aalala siya kay Hope? Pero lagi silang nag aaway. Lagi rin naman kaming nag aaway ah? Hindi kaya—

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon