Chapter 28

99 7 0
                                    

Winzea

Nakita ko ulit siya.

Nagkita ulit kami ni Lewis.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at napaawang ang labi ko habang diretso ang tingin niya sa akin. Tila nagsitaasan ang balahibo ko at nagkabuhol buhol ang loob ng sistema ko. Yung ganitong pakiramdam. Ngayon ko lamang ulit naramdaman

Lalong lumakas ang hiyawan.
"OMG! "

"Nagbalik na siya?"

"What a news? Apo si Lewis ng founder?"

Ang daming bulungan at madaming nagtatanong. Kahit ako madami din ang tanong sa isip ko.

Gumapang ang mga luha sa pisngi ko. Bakit parang bumalik lahat ng pakiramdam kong ganito. Ayaw ko nito. Parang nagtatalo ang puso at isip ko. Gusto kong matuwa at gusto ko ring magalit nang makita ko siya.
Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya. Pero gusto ko ding tumakbo palayo at iwasan na siya.

"Thank you very much Mr. Lewis Dawson for that wonderful song and very soothing voice!" Ani MC matapos siyang kumanta. Nagpalakpakan ang mga tao na may kasamang sigawan, habang ako naman ay tila lumipad ang isip sa kawalan.

Lewis Dawson...

"Another trivia about Mr. Lewis, to protect his identity, he never used his surname. The school kept it confidential for his safety. Pero ngayon, dahil di na siya dito nag aaral ay nagbalik siya para pormal na magpakilala at mag bigay ng special number syempre."

Nagbulungan ang iba nang mapagtanto nila na iyon ang nangyari nang mawala si Lewis.

Nag bow naman siya sa may stage at kinausap niya ang MC pero hindi naririnig sa microphone ang pinag uusapan nila.

Kumalabog ang puso ko nang iabot ng MC ang microphone sa kanya.

"Hello, Happy 20th College Week sa lahat ng College of Humanities. I was once part of this College and i'm glad to be here." Aniya at nawala naman ang kaba ko nang inaabot niya na sa MC ang mic.

Ngunit bago pa maabot ng MC ay itinapat niya ulit ito sa mga labi niya.

"To the most special person in my life. I can see you there. I'm glad to see you again. And I can't wait to be with you again." Aniya at tuluyan nangbibinalik ang mic.

Nagtilian ang mga babae at nagbulungan na sino daw ang swerteng babaeng iyon. Ang iba ay tumingin sa akin dahil nga dati ay nag tretrending kami sa forum.

"Baka si Luna yun."

"Hindi, matagal nang wala si Lewis dito tsaka nagda-date na sila ni Cleen diba?"

"Malay mo two timer si girl."

"OMG."

"Pero siya lang naman ang madalas na kasama ni Lewis bago umalis si Lewis sa school!"

Kahit ano pa man ang bulung bulungan nila ay dinedma ko nalang. Bumaon sa isip ko ang sinabi ni Lewis na special person. Di ko alam pero nag init ang tenga ko kahit ayaw kong maramdaman ito.

Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko. Nang tingnan ko ito, ay madilim ang kanyang tingin.

"Cleen masama ba pakiramdam mo?" Sabi ko.

"Oo, medyo nahihilo lang. Wow nagbalik na pala si Lewis. I'm happy! Sure ako happy ka din!" Aniya. Alam kong peke ang pinapakita niya ngayon. Nagpapanggap si Cleen na masaya niya kahit kita ko sa mga mata niyang balisa siya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at  pinagsalukop ko iyon sa akin. Nakita ko naman na ngumiti siya.

"Don't think too much Cleen." Sabi ko sa kanya. Tama Winzea. Ganito ang tama. Panindigan mo ang desisyon mo. Ayokong masaktan si Cleen.

Accidental ShiftDove le storie prendono vita. Scoprilo ora