EPILOGUE

230 6 3
                                    

Lewis

"Ano ba Lewis? Hindi mo ba aayusin ang buhay mo? Hindi ka namin ganyan pinalaki ng ama mo, tandaan mo ikaw lang ang magmamana ng lahat kaya ayusin mo ang buhay mo."

Ilang beses na akong pinapagalitan ni mommy. May hang over pa ako nang makita kong nandoon siya sa pintuan ng kwarto. Napatingin ako sa oras.

13:07, Los Angels, CA.

Tamad akong bumangon sa higaan at kinuha ang towel ko para maligo.
Pero bago pa man ako mag tungo sa bathroom ay may narinig na naman akong pagsusumbat.

"May mga obligasyon ka sa buhay na dapat unahin. Wag ka puro barkada."
Napalingon ako nang makita kong nakaupo si dad at kasalukuyang inaayos ang mga papeles sa kanyang sariling office table.

Binaliwala ko lang iyon at nag shower na ako. Mamamatay din naman ako e. Bakit kailangan ko pang ayusin ang buhay ko?

Pag labas ko sa bathroom ay nagtungo ako sa aking kwarto para magbihis. Agad kong tinext ang tropa at tinatanong ko sila kung saan pupunta.

"Let's go to Boston, Massachusetts."

Ang layo naman? Doon pa kami mag paparty? Sabagay okay na yung ganon ilang araw akong mawawala at di ako mabubungangaan dito sa bahay. Party, gala, inom, night bar, hotels. Masaya siguro kung isang buwan na ganon. Sabi nga nila, YOLO.

Nang makabihis na ako ay lumabas ako sa bahay, walang alam sila mom at dad na medyo matagal akong mawawala.

(A/N: The song above fits perfect on this scene.)

After 2 months, I decided to go back to the country to study again. Pinayagan ako ng parents ko dahil nagalit sila nang malaman ang mga pinag gagawa ko sa states.

There, I would never imagine that I would meet her, the one who changed me.

Agad akong nagtungo sa registrar para kumuha ng form.

"Salamat Miss Mindy, namiss mo ba ako." Syempre, dito ako pinag enroll ni dad sa school na pag aari ng lolo ko. Para mamonitor nila ang bawat kilos ko. Oh hindi ba ang galing ng mga magulang ko?

"Aba Lewis, ikaw pala kailan ka pa nakauwi, kamusta ang bakasyon? Akala ko late ka na mag eenroll?"
Lahat ng tao natutuwa sa akin. Nakakatuwa malaman yun diba?

"Naiinip po ako sa States eh, gusto ko na pumasok sa school, may pasalubong po ako sa inyo dadalahin ko po mamaya"

"Aba, ang bait mo talagang bata at di ka nakakalimot"

"Uhm Miss Mindy excuse po, pwede pong makahingi muna ng form?" Napalingon ako sa babaeng nasa likod ko. Nagulat ako nang masulyapan ko ang isang pamilyar na mukha. Maganda, heart-shaped ang mukha niya at matangkad. Nasa 5'6 siguro ang height niya.

"Ayy oo nga pala, teka...
Ayy, naubos na ang form wait lang magpiprint pa kasi ha iha. Mga 30 minutes pa. " Habang nag uusap sila ni miss Mindy ay nag simula na akong mag fill up ng form na hawak ko.

Dahil ayokong mag business, sinundan ko nalang ang course na inenroll ni Cleen. Okay na to, mawawala din naman ako e.

Nagulat ako at napaawang ang bibig ko sa katapangan ng babae na kasunod ko. Dahil bago ko pa maisulat ang pangalan ko ay hiligit niya ang form mula sa mga kamay ko. Nag fill up siya at pinasa kay miss Mindy.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now