Chapter 8

174 8 0
                                    

Winzea

"Come on, take a seat" ani ni Lewis

"Eh?" I responded.

"Don't love riding bicycles?"

"No, I mean baka matumba tayo?"

"Oh come on, trust me on this. Isa pa, di ka naman mukhang mabigat, payat ka lang"

I rolled my eyes. Wala na ata akong magagawa. Di ko expected na sa bike kami sasakay. Nung enrollment nakita ko si Lewis na bumaba sa isang itim na sasakyan.

Dahil nakasuot ako ng skirt, umupo ako ng patagilid sa likurang bahagi ng bike na may bakal na katapat ng gulong, luggage rack ata tawag doon. Syempre siya naman paharap ang upo kasi siya ang magpipidal.

"Hold on tight" aniya

"Jerk. Saan ano kakapit, as if may makakapitan ako"

"Hold on me."

Err saan ako kakapit. Bahagya kong kinapitan yung suot niyang damit. Parang kinurot ko yung tela sa bandang likod.

Bahagya siyang humarap habang hindi pa kami umaandar, pinipigilan ng paa niya ang bike para hindi matumba.

He grabbed my hands and put it around his waist. I suddenly become uncomfortable.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko

"Act of kindness ang tawag dito, hold on"

Bago ko pa matanggal ang kamay ko ay umandar na siya, kaya wala nang chance para alisin ang kamay ko.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Lalo niyang binilisan ang pag pidal dahilan para humigpit ang hawak ko.

"Sikat ka na" panimula niya. Kahit na umaandar ang bike ay nakuha niya paring mang-asar.

"Wala akong paki" malamig kong sabi

"Wag kang mag alala, di ka nila gagawan ng masama pag alam nila na ako ang makakalaban nila."

Bakit sino ba siya huh?

"Nga pala, di ka nakatira sa dorms?"
Tanong niya, oo may dorms kasi sa mismong school at mas convenient un.

"Hindi. Nag iisang anak lang kasi ako, ayoko iwan parents ko" sagot ko

"Ahh. Ilang minutes ka bago makarating sa school?"

"Mga 30 mins din siguro, ikaw di ka rin naman nag dodorm ah"

"Nag dodorm ako kung kailan ko gusto. Room mates kami ni Cleen at nung dalawa niyang tropa. Minsan lang ako nandoon pag trip ko."

"Saan tayo pupunta?"
Pag iiba ko sa usapan

"Secret, basta. Teka, anong sports ka nag register kanina?" Tanong niya

"Baseball."

"Wow. Magaling ka? anong position mo?"

"Pitcher, di gaano, marunong lang. Ikaw?"

"Panoorin mo nalang ako para malaman mo"

"Ang kj ayaw pang sabihin!"

"Hehe. Dito na tayo"

Tinigil niya ang bike sa tapat ng malaking itim na gate at pagtingin ko sa harap namin may isang malaki at magarbong bahay. Modern style, bricks at halos glass ang mga bintana, sa malawak na garden ay may fountain. Isa lang description. Wow.

"Tara na."

Nag bell siya at tila may camera doon, kumaway lang siya at biglang nagbukas yung gate.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now