Chapter 19

129 6 0
                                    

Winzea

Naisip ko na tama ang sinabi sa akin ni Cleen. Hindi ko dapat tinatakbuhan ang mga problema. Dapat ko itong harapin. Kung masasaktan man ako o hindi ay bahala na. Ang mahalaga ay malaman ko lahat ng sagot sa mga 'bakit' na nasa isip ko.

Papunta ako sa locker area matapos kong mareceive ang text ni Lewis.

Winzea, please talk to me. I'll wait for you at the locker area no matter what.

Pagpunta ko ay naroon na si Lewis. Hindi siya yung Lewis na pag tinitigan ko ay laging malamig, nakakatakot, o nakakainis. Dahil ngayon nakikita ko sa mga mukha niya ang mga matang may pag aalala.

Pagkakita niya pa lamang sa akin ay agad na niya akong niyakap. Hindi ko alam pero dapat ay galit ako, ngunit dahil sa yakap niya ay bigla na lamang lumambot ang puso ko. Niyakap ko siya pabalik. Walang katao-tao dito.

"I don't know what you've done to me, but it's making me crazy." Aniya sa pagitan ng mga yakap namin.

Kung sinasabi ko kanina sa isip ko na kukumprontahin ko siya, at aawayin, ngayon naman ay tila napipi ako at walang ni isang salita na gustong kumawala sa bibig ko.

"Alam ko na ang tingin mo sa akin maaaring suplado, salbahe, loko-loko o gago. Pero Winzea. Nababaliw ako dahil sayo. Ano bang gayuma ang ginamit mo?"

Nanatili lamang na ganoon ang posisyon namin. Naramdaman ko na lalong humigpit ang mga yakap niya.

"Alam ko na imposibleng gusto mo ako Winzea dahil sa kayabangan na pinakikita ko sa iyo. Maaaring hindi mo ako kayang suklian pero Winzea... Hayaan mong mahalin kita. Please wag kang lalayo, nasasaktan ako."

Pakuwari ko ay tumigil sa pag tibok ang puso ko. Sa wakas narinig ko na ang mga salitang gusto kong marinig mula sa kanya. Pero sasabihin ko din ba ang nararamdaman ko? Tama ba ito?

"Lewis, nasasaktan ako sa ginawa mo. Nasaktan din ako nung nakita ko kayo ni Hope na—"

"Winzea i'll explain everything to you, please accept my apology." Pagpuputol niya sa sinasabi ko. Kumalas siya ng yakap sa akin at tinitigan niya ang mukha ko.

Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko para makita niya ako ng maayos.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero namalayan ko na lamang na naglalakad kami papunta sa sasakyan niya habang hawak hawak niya ang kamay ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagpasok ko ay umikot siya sa driver's seat at pumasok doon.

Kahit ganoon lamang kasimple ang pag uusap namin ay tila nauunawaan ko. Tila agkakaintindihan ang puso namin kahit wala namang malinaw na salita. Ito siguro yung tinatawag na mutual understanding.

Unti unti siyang lumapit sa akin na halos magkadikit na ang mukha namin, di ko mapigilan mamula. Pero kinuha niya lang pala ang seatbelt sa gilid ko at ikinabit iyon. Pagkatapos ay umayos na siya ng upo.

"I can't believe myself." Aniya at bumuntong hininga siya bago tuluyang mag drive.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa lugar kung saan makakapag usap tayo ng maayos." Aniya

"Pero papadilim na." Sagot ko naman napansin kong wala na ang araw at kulay kahel na ang kalangitan.

"Pinagpaalam na kita kanila tita." Aniya

"D-di nga?" Gulat kong tanong. Paano, isang beses palang naman siyang nakita ng mga magulang ko tapos nakuha niya agad ang loob nila?

"Winzea." Aniya, parang may gusto siyang sabihin. Napatingin ako sa kanya ngunit diretso lamang siya ng tingin habang nagmamaneho. Di makakaila, ang gwapo niya kahit magulo ang buhok niya. At kahit masama ang ugali niya.

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon