Chapter 12

151 8 0
                                    

Winzea

"Dala mo ba phone mo?" Tanong ko kay Lewis

"Nasa locker ko, ikaw baka dala mo?" Tanong niya pabalik

"Wala, nasa bag ko. Tsaka, magtatanong ba ako sayo kung may dala ako!?" Heto at mukhang di na naman matatapos ang bangayan namin.

Kinalampag ko na lang ang pinto, hinihintay na may makarinig sa amin.

"Malay ko tanga ka lang, o gusto mo lang makigamit ng phone ko?" Usap niya pabalik

"Bakit ko naman gugustuhin hawakan ang phone ng supladong katulad mo no!"

Tumawa lamang siya. Napansin ko naman na may kinuha siya mula sa bulsa niya, isang wristwatch. Tinanggal niya ang wristbands sa kamay niya at sinuot iyon.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Maaga pa naman, 4 palang, pwede ba itigil mo yang pag kalampag diyan. Walang makakarinig sayo. Malayo tayo sa mga tao"

"Nagbabaka sakali lang ako na may dadaan no. Anong oras ang basketball match?" Tanong ko.

"Last game, alas singko. Sa ngayon busy ang mga tao sa panood ng volleyball, naglalaro si Hope. Alam mo bang instant famous na siya?"

Napatigil ako sa pagkalampag dahil masakit na ang kamay ko, alam ko din naman useless yon.

"Correction. Famous na talaga siya, lumipat lang siya ng school." Sambit ko pabalik.

Pansamantala kaming natahimik. Unti unti nang dumidilim dahil kaunting liwanag lang ang nakakapasok mula rito.

"Bakit gusto mo maging kayo ni Cleen?" Bigla niyang tanong. Dahil doon napatingin ako sa kanya

"Sinabi ko na sa iyo nung simula palang, masasaktan ka lang Winzea. Pero dahil gusto mo yun at iyon ang pabor mo. Fine."

"Bakit? Sa palagay mo ba gusto ko ding maramdaman ito?" Tanong ko sa kanya.

"Sabagay, sino ba ako sayo?" Sambit niya at napakawala siya ng piit at mapait na tawa.

Nakatayo kaming dalawa at magkarap, unti unti siyang naglakad papalapit sa akin habang nakatingin sa lupa.

Napapaatras naman ako. Ang awkward naman nito. Alam kong walang gagawing masama si Lewis dahil kahit suplado at salbahe siya ay may gentle side din siya.

Patuloy akong napaatras nung hinawakan niya ako sa balikat habang magkaharap kami ngunit napansin ko na may bagay pala sa likuran ko at natalisod ang paa ko.

"Lewis ano bang ginagawa mo, tinatakot mo naman ako!"

Sigaw ko, nang bumagsak kaming dalawa sa malambot na kutson na ginagamit sa stunts ng gymnastics, dito pala ako natisod

Ang awkward ng posisyon namin dahil nasa napahiga ako at pumaibabaw naman siya sa akin. Nararamdaman ko ang bigat niya!

"So-sorry Winzea" malamig ang boses niya. Parang may mali.

Nanatili kami sa ganong posisyon dahil kahit pinaghahampas ko siya ay hindi siya kumikilos. Bigla kong naramdaman na mainit siya, dali dali kong hinawakan ang noo niya.

"Lewis! Mataas ang lagnat mo!" Inaapoy siya ng lagnat kaya hindi siya makakilos.

"So-sorry Winzea, nahihilo kasi ako. Sorry kung natakot ka."

Inayos ko siya ng higa at bumangon naman ako. Kinapa ko ang likod niya.

"Basa ka pa ng pawis!" O baka pinagpapawisan na siya dahil sa lagnat.

Accidental Shiftحيث تعيش القصص. اكتشف الآن