Chapter 6

209 7 0
                                    

Winzea

"Kailangan pa talaga ng kontrata?"

Nandito kami ngayon ni Lewis sa library at nagbubulungan, eto ang pinakatahimik na lugar kung saan mga nerd o bookworm lang ang tumatambay kaya wala silang paki sa amin, okay na ito para iwas chismis.

"Para siguradong tutupad ka sa usapan" aniya

Inirapan ko siya sa inis, baliktad na talaga ang mundo. Kung kanina lang ako ang may problema, ngayon ay siya naman.

"5 months lang Winzea, no more no less. Sure ako na sa 5 months lulubayan na niya ako."

Binasa kong mabuti ang nakasulat sa 'kontrata' kuno. Wow ang dami niyang rules

1. Bawal sabin kahit kanino, kahit pa sa taong pinaka-close mo.

So paano ko i eexplain kay Railyn? Magsisinungaling ako eh alam niya na di kami close ni Lewis tapos biglang kami na?

2. May karapatan tayong mag exchange ng numbers at pag kailangan ang isa't isa, ora mismo dapat tumugon ang isa.

Wow. So nadagdagan ang responsibilidad ko

Tila kumunot ang noo ko sa sumunod.

3. Bawal mag holding hands, hug, kiss o kahit na anong sweet gestures pag tayong dalawa lang.

"Teka nga! Kahit may mga tao sa paligid hindi ako papayag na hawakan mo ako no! At hinding hindi ako mahpapahalik sayo yuck! "

"Gagawin lang natin yun pag kailangang kailangan na talaga no. Tss."

4. Lovestory. Dapat tugma ang sasabihin natin, nagkakilala na tayo dati, niligawan na kita pero binusted mo ako. Then we met again, that's the time na naging tayo.

5. You cannot resist if I ask a favor like going to a friends birthday, or any parties.

6. Iwasan magpa-interview sa Dawson publication. Iwas sa issue. Iwas sa gulo

7. You cannot have any affairs hanggat hindi tapos ang contract baka masira ang usapan.

8. You can always ask favor, anything you want. (Pero hindi mo ako pwedeng hingiin)

Kapal talaga.

9. After the contract we'll remain friends (advantage for you)

Wow

10. Higit sa lahat, bawal main-love

"Okay deal."

"Sige, pag usapan naman natin ang favor na nais mong hingiin sa akin. Isang big favor lang. Tutal ang favor na hinigi ko ay magpanggap ka bilang GF ko para maiwasan si Pearl. That's it."

"Hmmm, wala pa kong maisip na hihingiin sayo, pag iisipan ko pa"

"Okay, then I owe you one."

---

Pumasok na kami ng classroom since second subject na.. don't get me wrong, hindi kami sabay, magkahiwalay din kami ng upuan.

"Hi Winzea"

"Hello"

Bigla akong kinausap ng katabi kong babae pag upo niya, hindi siya katangkaran lagpas balikat ang straight niyang buhok, naka full bangs, malalaki ang mata niya na may makapal na pilik mata, maputi, mapupula ang labi. Overall, cute siya mukhang manika.

"Ako si Hope. Hope Legazpi, Uhm lagi kitang napapansin nahihiya lang talaga ako sayo, buti bakante sa tabi mo"

"Ganon ba, ikaw lang ang unang babae na kumausap sakin dito."

Accidental ShiftOù les histoires vivent. Découvrez maintenant