Chapter 14

144 7 0
                                    

Winzea

"Winzea gusto kita"

Sambit niya sa akin at niyakap niya ako. Tinapik tapik ko naman siya sa likod. Gusto niya ako?

"Winzea, gusto kita bilang kapatid."

Huminto ata sa pagtibok ng puso ko. Kapatid? Lang? Di ba pwedeng kamilya nalang o kaya kapuso?

"Winzea, di ako manhid, alam kong crush mo ako kaya ginamit ko yung opportunity na yun para mapalapit sayo. Sorry" tatawa tawa niyang sambit

Umiiyak siya pero tumatawa parin, paano ka parin naging ganyan kagwapo Cleen?
Naramdaman ko na nag init ang pisngi ko, ibig sabihin hala nakakahiya alam niya!

"Di ko alam sasabihin ko Cleen nahihiya na ako"

"Ano ba wag kang mahiya. Alam ko naman lahat dahil sinabi ni Lewis"

Pag nakita ko talaga yung lalaking yun susuntukin ko. Akala ko ba sikreto e bakit sinabi niya ang kahihiyan ko!

Kumalas siya sa yakap at seryosong nakatingin na siya sa mga mata ko.

"Winzea, nakikita ko sayo ang kapatid ko. Pwede bang ituring mo nalang akong kuya?"

"Ha? Bakit? Nasaan ang kapatid mo?"

"Nasa malayong lugar Winzea, matagal na."

May kapatid siya? Pero patay na?

"Sorry."

"Sorry din. Mula nung dumating ka, di ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kitang protektahan, isang bagay na hindi ko nagawa sa kanya."

Tumahimik siyang sandali.

"Mga bata palang kami noon, hmm. Grade 6 kami nang maging kaklase ko si Lewis noon. Magkakasama kaming tatlo."

Tahimik lamang akong nakikinig sa kwento niya at tumatango sa bawat sasabihin niya.

"Actually kambal kami Winzea. Cleia ang pangalan niya. Bata pa lang kami lagi na kaming nag aaway pero kami din yung laging magkasama. Pamilya ng mga doctor ang angkan namin kaya ang mama at papa ko ay laging wala, nasa misyon sila."

Ganun pala, siguro mag isa lang si Cleen ngayon.

"Bata palang kami, pangarap na ni Cleia na maging chef. Pero ayaw ng parents namin. Sila mama at papa gusto mag doctor kami. Willing naman akong mag doctor kasi gusto ko ngang ituloy yung nasimulan ng henerasyon namin."

Bahagyang namumugto ang mga mata niya, pinipigilan niyang bumagsak ang mga luha niya.

"Sabi ni Cleia sa akin na hindi siya papayag na magkiba kami ng kukuhaing kurso, mula noon mas naging paborito ako ng mga magulang ko. Pinag aaralan ko na ang mga libro ng medisina nung nagsimula kaming mag highschool, samantalang si Cleia naman ay nag aaral magluto. Natuwa naman sila mommy dahil alam ni Cleia ang gusto niyang gawin, mula noon pumayag narin sila sa gustong pangarap ni Cleia"

Biglang tumahimik si Cleen, umaagos parin ang mga luha niya

"Nung 3rd year highschool na kami nasa misyon noon sila mommy sa isang malayong probinsya. Nagkasakit si Cleia. Mataas na ang kumpyansa ko sa sarili ko noong mga panahong iyon dahil perfect ako sa mga exam sa medical school na nag tututor sa akin. Kaya sinabi ni Cleia na gamutin ko siya. Kampante ako noon pero mali ang medikasyon na naibigay ko sa kanya kaya lalong naging kumplikado ang nararamdaman niya. Kinalaunan, nawala na siya Winzea."

Malungkot. Iyan lang ang maidedescribe ko sa nakikita ko ngyon kay Cleen.

"Alam mo ba bago siya pumanaw Winzea, hawak niya ang kamay ko at sinasabi niya sa akin 'Kuya, ayoko pang mamatay. Gusto ko pang tuparin ang pangarap ko kuya' nag echo yun ng paulit ulit sa utak ko. Madami pang nangyari, sinisi ako ng magulang ko pero kinalaunan, sinisi nila ang sarili nila dahil pinabayaan daw nila kami. Nung okay na ang lahat, nangako ako sa sarili ko na tutuparin ko ang pangarap ng kapatid ko. Kahit anong mangyari."

Nagpunas siya ng kanyang luha at ngumiti sa akin.

" Kaya nung grumaduate kami ni Lewis ng 4th year highschool, yung kanta kanina ang graduation song namin. Kasabay ng kantang iyon ang pangako ko kay Cleia na matutupad parin ang pangarap niya. Dahil iisa kami."

Malungkot pala ang kwento ni Cleen. Di ko naranadan magkaroon ng kapatid, pero parang mas masakit yung may kapatid ka tapos biglang mawawala.

"Cleen pwedeng magtanong? Paano mo naman nakita si Cleia sa akin? Di naman ako magaling magluto. "
Sa wakas nakapag usap na rin ako

"Nakita ko siya sa iyo sa kagustuhan mong matupad ang pangarap mo. Pareho kayong may pangarap na gustong maabot. Isa pa, may hawig kayo ni Cleia Winzea. Fraternal twins kami, yung appearance mo mahabang buhok na kulot sa dulo, mga mata mong magaganda, heart shaped face,yung height, dimples at ngiti nyo parehas din. Kaya nung una kitang nakita sa school sinadya kong mabunggo ka. Sorry"

Ngumiti naman ako at niyakap muli si Cleen

"Mula ngayon kuya na kita, gusto ko rin ma experience magkaroon ng kapatid!" Pag cheer up ko sa kanya

Kumalas ako sa yakap at siya naman ang nagsalita

"Talaga Winzea? Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon"

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.

"Pangako Winzea, gagawin ko ang lahat para protektahan ka."

Pakiramdam ko, magaan na din ang loob ko kay Cleen. Kunpleto na, hindi na tulad dati na parang may kulang. Ang Cleen na kaharap ko ngayon, nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi at mga 'sana'

Hindi ko inakalang ang masiyahin at palangiti na Cleen na kilala ko ay may matindi at madilim na pinagdaan buhat sa sugat ng kahapon. Alam kong di pa lubusang naghihilom iyon, pero nakikita ko sa kanya ang pagsusumikap at ang pangako na gusto niyang tuparin para kay Cleia.

---

Nandito kami ngayon sa puntod ni Cleia, nasa isang private na lugar ito sa loob ng sementeryo. May picture dun siya dito at nakita ko ang pagkakahawig namin. Di naman kami magkamukha ng sobra, pero sa unang tingin ay aakalain mong ako siya.

May part na nalulungkot ako para kay Cleen, pero masaya ako dahil mayroon na akong kapatid na matatawag. Hindi man kami magkaano ano sa dugo, ngunit sa mga puso namin. Iyon ang mahalaga.

"Cleen may tanong ako" sambit ko

"Ano yun Winzea?"

Matagal ko na kasing gustong malaman, kaya pakiramdam ko masasagot na ang mga katanungan ko.

"Iibahin ko lang ang topic hehe, ano bang apilyedo ni Lewis?" Tanong ko.

Natawa naman siya kaya napabusangot ako.

"Seriously Winzea? Di mo alam?" Tatawa tawa niyang tanong

Ngumiti naman ako ng sarcastic at kinurot siya sa braso.

"Ano ba kuya, magtatanong ba ako kung alam ko!" Pang aasar ko

Nakita ko naman siyang namula nung tinawag ko siyang 'kuya'

"Haha, madali lang hulaan ang apilyedo niya, lagi mong naririnig at sinasabi."

"Hala, eh ano nga?" Ano ba masyado namang pa-suspense!

"Lewis..." sambit niya.

"Lewis...? Ano?" Tanong ko. Arghh. Kainis naman

"Lewis nga kulit mo naman Winzea!"

"Ha? Oo nga, ano nga apilyedo ni Lewis?!"

Mula ay namula niya sa kakatawa, pinagtritripan ba niya ako? Nakahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa!

"Ang cute mo talaga Winzea. Ang slow mo pa." Medyo kumalma na siya sa pag tawa

Napabusangot naman ako at nagkukunyaring nagtatampo na.

"Hay nako. Lewis. Iyon ang apilyedo niya. Lewis. Okay na? Ngayon alam mo na ha, bawal na magtanong hahaha"

So yun na yun? All this time tinatawag ko siya sa apilyido niya nang hindi ko alam?

"Teka, Lewis Lewis ang pangalan niya?" Gulat ko namang tanong kaya muling napabuga ng tawa si Cleen. Hay nakoooo. Kahit kailan wala na talaga siyang pag asa pang magbago.

-14-

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon