Chapter 49

99 4 0
                                    

Lewis

That day.

Nagising ako nang maagap at unti unti kong tinanaw ang oras. It's 5:00 in the morning, 11th of May. Mayroong isang mahalagang okasyon.

Napasulyap ako kay Lucy na nakahiga parin sa King size bed na puno ng panda at mahimbing na natutulog. Di ko mapigilang mapangiti.

"Good morning. Happy birthday Love, happy birthday baby." Bulong ko at hinalikan ko siya noo.

Di ko mapigilang mapangiti at malungkot sa sabay na pagkakataon.
Pag nakikita ko ang mga panda na ibinigay ko kay Winzea noon. Naaalala ko lahat ng mga pagkakataon na masaya kaming dalawa. Siguro mas masaya kung nandito rin siya.

Flashback...

Makalipas ang ilang taon na pagtatrabaho sa cruise ship. Nag desisyon din umuwi si Winzea. Di ko mapigilan matuwa everytime she tells stories.

"Natatawa ako flash, kasi alam mo ba. Edi todo tingin yung lalaki sakin. Tapos sabi niya. Pwede daw ba manligaw hahaha."

Ang totoo di ako nakikinig sa kwento niya e, mas pinagmamasdan ko yung mukha niya habang nag kukwento siya. Nandito kami ngayon sa isang restau at tumatango lang ako sa mga sinasabi niya.

"Edi tawanan mga kasama ko kasi alam nila kasal na ako kahit ang totoo ay engaged palang! Tapos ayun hiyang hiya yung lalaki at sorry ng sorry kasi pinakita ko 'tong singsing. Brainy ka din e no? Nag propose ka bago ako maka alis haha." Aniya.

"Hmmm, ano ba itsura ng lalaki na yon? Ipapatumba ko." Pagkasabi ko noon ay agad niya akong hinampas sa braso ko kaya naman napatawa ako.

"Biro lang po. Kamusta naman, dami mo nang napuntahang lugar ah. Natupad mo na pangarap mo no?" Sabi ko sa kanya.

"Hmmm, madami na nga magaganda. Pero mas maganda kung kasama kita e ayieeee." Aniya.

"Nako Winzea, nahahawa ka na sa kakornihan ng mga kasama mo. Tigil tigilan mo yan." Dahil sa sinabi ko ay nag pout siya. Dahilan para kurutin ko ang pisngi niya.

"Ang cute cute mo talagaaaa." Sabi ko habang nag-aray naman siya.

"Seryoso po ako, masaya kung kasama ka." Muli niyang sabi kaya naman napangiti ako at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Tara pakasal na tayo." Sabi ko. Dahilan para mamula ang mukha niya nang parang kamatis kaya naman natawa ako. Ang cute niya.

Engaged na kami last year pa at tingin ko parehas na din naman kaming stable at ready sa lahat ng aspeto para sa bagay na iyon.

---

Di nagtagal, dumating ang preparations, syempre tulong tulong ang pamilya ko at pamilya niya pati narin ang mga kaibigan namin.
Lahat ay excited para sa kasal.

Syempre si Cleen ang best man at ang mga groomsmen ay yung mga pinsan ko. Samantalang si Rai naman ang maid of honor at ang mga bridesmaid ay yung mga naging close na kaibigan ni Winzea kasama din si Hope.

Napili naming kasal ay beach wedding na gaganapin sa hapon para maabutan ang sunset. Ito ang pangarap niya at gustong gusto ni Winzea ang dagat.

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon