Chapter 34

99 6 0
                                    

Winzea

Nag ring na ang bell.
"Winzea tara na sa cafeteria!" Tawag ni Cleen sa akin. Masigla ko namang kinuha ang bag ko sa upuan.

"Oo nandiyan na!" Habang tumatakbo ako palabas ay nalagpasan ko si Cleen.

"Huy excited!" Aniya at hinabol ako.

"Ayy sorry HAHA!" Agad naman akong humarap sa kanya at kinuha niya ang bag ko.

"Amina na nga ang bag ng prinsesa ni Luwi!" Napasimangot naman ako nang ginulo niya ang buhok ko.

Masaya ako dahil kahit naging okay kami ni Lewis ay di parin nagbago ang pagtrato ni Cleen sa akin. Tinuring niya nga akong tunay na kapatid kung tutuusin. Lubos na natutuwa ang puso ko.

"Aba nandyan na pala kayo. Minsan kasi iwasan ang paglalandian sa hallway. Baka maissue na naman kayo sa forum." Ani Hope habang nakapamewang. Nakarating kami sa cafeteria nang nagtatakbuhan.

"Nanay ka?" Ani Cleen at natawa naman ako nang batukan siya ni Hope.

"Aray!" Ani Cleen.

"Maupo ka na Winzea, ako na kukuha ng pagkain mo." Ani Cleen at umupo na kami sa table ni Hope kasama si Steeve at Ethan.

"Doing well huh? Di ko akalain na ganito ang kahihinatnan. Kaya palang maging okay kayo ni Lewis at Cleen at the same time. I envy you now Winzea." Natawa ako sa sinabi ni Hope lalo na nang pinangliitan niya ako ng mata.

"Ang totoo nga niyan Hope, di ko maiwasang matakot pag naiisip ko ang magyayari sa mga susunod na bukas." Nag aalala ko namang tugon.

"Wala ka nang dapat pang ipag alala, ikaw ang pinili ni Lewis. Sorry kung dati hindi ko nasabi yung tungkol sa amin. Pero napaka swerte mo, inlove na inlove si Lewis sayo—"

Natigil siya sa pagsasalita at tila may tinitigan sa likod ko. Nakarinig naman ako ng tilian.

"Uhh. Speaking of the devil." Natawa naman ako dahil devil naman talaga si Lewis gaya ng sabi niya.

"Hi shine." Lumingon ako nang maring ko ang boses niya sa likod ko.

As usual messy ang buhok niya.  Maganda ang tindig niya habang nakasuot sa puting polo na medyo hapit sa katawan niya. Nakatupi ang sleeves noon hanggang siko at naka unbutton ang dalawang butones sa taas kaya medyo hot siyang tingnan. Black maong pants naman ang suot niya sa pang ibaba at hiwa sa magkabilang tuhod. Nakasuot siya ng white sneakers at may dalang pink bouquet ng rosas.

Omg. Kainggit!

Sila na ba ulit?

Akala ko naman pinagpalit na ni Luna si Lewis kay Cleen

Ang swerte naman ng Luna na iyan.

Kahit isa lang sa kanila please?

"Attention seeker!" Sigaw ni Hope sa mukha ni Lewis.

"Huwag ka ngang bitter." Naka smirk na sabi naman ng isa.

"I'm not bitter. I'm better!" Ani Hope.

Hindi naman siya pinansin ni Lewis dahil bumaling na si Lewis sa akin kaya nag make face nalang si Hope.

"For you." Aniya habang inaabot sa akin.

"Bakit dito pa? Pwede namang mamayang uwian nalang." Nahihiya kong sabi.

Umupo naman siya sa tabi ko.
"Bakit? Kinakahiya mo na ba ako? Miss lang kita agad. At isa pa proud akong malaman nila kung ano tayo. Mabuti na yung malinaw. There's no point of hiding." Ani Lewis habang nakangisi.

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon