Chapter 7

192 9 0
                                    

Winzea

Excellence through Profession. Yan lang naman ang theme for this year's school foundation anniversary. Excited ang lahat may one week kami para sa exhibit preparation na naka-assign per department, bukod dun sobrang busy ng flow ng program.

Next week, sa first day ang official na opening ng exhibits, magkakalaban ang different courses at ang board of regents ang magiging judges.

Sa second day naman ang sports fest, each student needs to join one sport kahit na ano pa man yun dahil yun na ang pinakang PE project grade namin para sa preliminary exams.

Sa third day, club activities preparation. Gagawa ang mga club ng mini booth na maisip nila, pwedeng magbenta ng product, mag entertain, o anu pa man basta kikita ng pera.

Sa forth day, araw ng pag liliwaliw, eto na yung pinakang pahinga ng mga estudyante, usually may rotation ang mga members ng club kung saan may sched at kung saan pwede ka namang lumibot. Eto yung araw na mag babantay ka lang sa booth, then after noon mag iikot ikot ka na.

Last day will be the victory party o acquaintance night na tinatawag. Formally dressed to celebrate the success of the whole event ika nga.

Kasalukuyang busy ang lahat, nandito kami ngayon sa classroom at nagbunutan kami ng by-pairs. Kung sino ang magiging kapartner mo at kung anong cusines ang gagawin niyo, lalaki ang bubunot sa pangalan ng babae. Babae naman ang bubunot ng cuisine na gagawin.

"Hi Winz, pinanalangin ko talaga na ikaw ang maging partner ko. Buti nabunot ko pangalan mo"

Napalingon ako nang makita si Cleen si tabi ko, nakangiti at nakataas ang isang maliit na pink na papel na may nakasulat na 'Winzea Luna' para ipakita sa akin.

"B-bakit naman ako?" Syempre nagulat din ako no!

"Kasi ikaw lang ang ka-close kong babae?" Aniya sabay taas baba niya sa kilay niya. Gusto ko sanang sabihing mukha siyang maniac doon pero huwag na lang.

Tama naman, equally numbered kasi ang babae at lalaki sa section namin. 30 kami lahat, 15 pairs ang gagawin, 15 different cuisines.

"Cleen? Ikaw ba nakabunot kay Winzea? Baka pwedeng magpalit tayo?"

Bigla namang sumulpot etong si Lewis, na parang... hmm kinakabahan? Namumula ganoon.

"Bakit naman? Anong problema Luwi?"

"Si Hope ang nabunot ko"

"HAHAHA" Napahagakpak naman ng tawa si Cleen. Uhh? Di ko gets

"No way! Bawal magpalit Luwi, kaya mo nang ihandle yun. Isa pa magaling si Hope." Ani ni Cleen

"Bakit anong mayroon kay Hope? Mabait naman siya tsaka matalino?" I can't help but ask uhh.

Napatigil naman ang dalawa at nagkatinginan. Na parang may ayaw sabihin sa akin.

"Let's just say we're acquainted ?" Ani ni Cleen

"Crush ni Cleen" bulong ni Lewis.

"No. I don't" deny ni Cleen

"Alam mo Luwi, okay naman na si Hope ang ka partner mo, know why? Kung kayo ni Winzea ang gagawa ng cuisine baka.."

"Okay nevermind, I got you" sambit ni Lewis sabay walk-out.

"HUH?" Pagtataka ko.

Napakamot naman si Cleen ng kanyang ulo na parang nahihirapang mag explain sa akin.

"You see Winzea, ang ibig kong sabihin.. Fine, kinuwento kasi ni Luwi na aksidente ka lang napa-shift nung naging kayo dahil nailagay mo yung course na kukuhain niya sa form mo."

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now